-
MemfisKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Relihiyon. Ang Memfis ay isang sentro ng relihiyon at kaalaman sa Ehipto, ngunit noong ikawalong siglo B.C.E., inihula ni Isaias na ang ipinagmamalaking karunungan ng mga prinsipe (marahil ay makasaserdoteng mga prinsipe) ng Nop (Memfis) ay mabibigo at ang Ehipto ay maililigaw. (Isa 19:13) Maliwanag na ang gayong mga tagapayo ay nagtaguyod ng huwad na pagkadama ng katiwasayan sa Ehipto may kinalaman sa mapanalakay na kapangyarihan ng Asirya.
-
-
MemfisKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kabilang ang Memfis sa mga pangunahing sagradong lunsod ng sinaunang Ehipto, kasama ng kalapit na On (Heliopolis). (Gen 41:50) Ang mga dambana na inialay sa diyos na si Ptah at sa sagradong toro na si Apis ay may pantanging kahalagahan. Ang diyos na si Ptah, ayon sa “teolohiya ng Memfis” na kinatha ng mga saserdote ng Memfis, ay ang manlalalang (kahati niya sa karangalang ito ang ibang mga diyos na gaya nina Thoth, Ra, at Osiris), at ang kaniyang mitolohikal na gawain ay lumilitaw na itinulad sa aktuwal na papel ng Paraon sa mga gawain ng mga tao. Inilalarawan ng klasikal na mga istoryador na ang templo ni Ptah sa Memfis ay pinalalaki at pinagaganda sa pana-panahon. Napapalamutian ito ng pagkalaki-laking mga estatuwa.
Ang torong Apis, isang buháy na toro na may pantanging tanda, ay inaalagaan sa Memfis at sinasamba bilang ang pagsasaanyong-laman ng diyos na si Osiris, bagaman sa ilang alamat ay iniuugnay rin ito sa diyos na si Ptah. Kapag namatay ito, isang pangmadlang pagdadalamhati ang isinasagawa, at binibigyan ang toro ng isang kahanga-hangang libing sa kalapit na Saqqara. (Nang ang libingan doon ay buksan noong ika-19 na siglo, natagpuan ng mga imbestigador ang mga embalsamadong katawan ng mahigit sa 60 toro at baka.) Ang pagpili ng isang bagong torong Apis at ang pagluluklok nito sa trono sa Memfis ay isang seremonyang ganito rin karangya. Maaaring naimpluwensiyahan ng pagsambang ito ang mapaghimagsik na mga Israelita sa kanilang ideya na sambahin si Jehova sa pamamagitan ng isang ginintuang guya. (Exo 32:4, 5) Ang pagsamba sa banyagang diyosa na si Astarte ay naging prominente rin sa Memfis, at may mga templo para sa mga diyos at mga diyosa ng Ehipto na gaya nina Hathor, Amon, Imhotep, Isis, Osiris-Sokar, Anubis, at iba pa. Ang buong hanay na ito ng mga sinaunang bathala at ang kanilang mga idolo ay nakatalagang puksain ayon sa hatol ng Diyos.—Eze 30:13.
-