Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jehoas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Dahil sa pagkamatay ni Ahazias, si Athalia, ang balakyot na lola ni Jehoas, ay nagkaroon ng dahilan upang gawing reyna ang sarili nito. Ngunit upang sa hinaharap ay hindi siya hamunin ninuman sa kaniyang pag-agaw sa trono, pinatay niya ang lahat ng mga anak ni Ahazias maliban sa batang si Jehoas, na nang panahong iyon ay isang sanggol na wala pang isang taóng gulang. Nakaligtas siya sa lansakang pagpatay dahil sila ng kaniyang yaya ay kinuha ng kaniyang tiyang si Jehosheba, na asawa ng mataas na saserdoteng si Jehoiada, at lihim silang itinago sa templo sa loob ng anim na taon.​—2Ha 11:1-3; 2Cr 22:10-12.

      Nang sumapit ang bata sa edad na pitong taóng gulang, may-pagtitiwalang isiniwalat ni Jehoiada sa limang pinuno sa kauna-unahang pagkakataon ang legal na tagapagmana ng trono. Pagkatapos, ang 500 lalaking nasa ilalim ng pangunguna ng mga pinunong ito ay sinandatahan ni Jehoiada ng mga kalasag at mga sandata mula sa templo at tinagubilinan niya silang magbantay sa palibot ni Jehoas sa seremonya ng koronasyon sa looban ng templo. Ang sinumang magtatangkang makialam ay papatayin. (2Ha 11:4-12, 21; 2Cr 23:1-11) Nang marinig na humihiyaw ang bayan, nagtatakbo si Athalia, at nagsisigaw, “Sabuwatan! Sabuwatan!” Kaagad siyang inilabas, at pinatay nila siya sa pasukan ng pintuang-daan ng mga kabayo.

  • Jehoiada
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Si Jehoiada ay lalo nang nakilala sa pagpapabagsak kay Athalia at sa pagtataas sa tunay na pagsamba sa Juda. Pagkatapos na mapatay ang namamahalang anak ni Athalia na si Ahazias, pinatay ni Athalia ang lahat ng nalalabing maharlikang supling at iniluklok ang kaniyang sarili sa trono. Gayunman, kinuha ni Jehosheba, na kapatid mismo ni Ahazias bagaman maaaring hindi anak ni Athalia, ang sanggol na anak ni Ahazias na si Jehoas at itinago ito sa loob ng anim na taon. Noong ikapitong taon, natamo ni Jehoiada ang suporta ng mga Levita, ng mga pinuno ng tagapagbantay na Cariano at ng mga mananakbo, at gayundin ng mga ulo ng mga sambahayan ng Israel sa panig ng ama. Pagkatapos ay inilabas niya si Jehoas, na kanilang ipinroklama bilang hari. Sumunod ay iniutos ni Jehoiada na dalhin si Athalia sa labas ng bakuran ng templo at patayin.​—2Ha 11:1-16; 2Cr 22:10–23:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share