Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pantubos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bilang isang “kabahagi sa dugo at laman,” siya’y isang malapit na kamag-anak ng sangkatauhan at taglay niya ang halaga na magagamit niya upang tubusin at palayain ang sangkatauhan, ang kaniyang sariling sakdal na buhay na naingatang dalisay sa kabila ng mga pagsubok sa katapatan.​—Heb 2:14, 15.

      Nililinaw ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na ang pagpapalaya mula sa kasalanan at kamatayan ay talagang isinasagawa sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang halaga. Ang mga Kristiyano ay sinasabing ‘binili sa isang halaga’ (1Co 6:20; 7:23), anupat mayroong “may-ari na bumili sa kanila” (2Pe 2:1), at si Jesus ay ipinakikilala bilang ang Korderong ‘pinatay at sa pamamagitan ng kaniyang dugo ay bumili siya ng mga tao para sa Diyos mula sa bawat tribo, wika, at bansa.’ (Apo 5:9) Sa mga tekstong ito, ginamit ang pandiwang a·go·raʹzo, na ang simpleng kahulugan ay “bumili sa palengke [a·go·raʹ].” Ginamit ni Pablo ang kaugnay nitong e·xa·go·raʹzo (pagpapalaya sa pamamagitan ng pagbili) upang ipakita na pinalaya ni Kristo “yaong mga nasa ilalim ng kautusan sa pamamagitan ng pagbili” nang mamatay si Jesus sa tulos. (Gal 4:5; 3:13)

  • Pantubos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Noong magkasala si Adan at masentensiyahan ng kamatayan, ang lahat ng kaniyang mga supling o lahi ay di-pa-naisisilang at nasa kaniyang mga balakang anupat pawang namatay na kasama niya. (Ihambing ang Heb 7:4-10.) Si Jesus bilang isang taong sakdal, “ang huling Adan” (1Co 15:45), ang tanging tao na makapagbibigay ng halagang pantubos para sa di-pa-naisisilang na mga supling ni Adan. Kusang-loob niyang ibinigay ang kaniyang sarili at namatay siya nang walang kasalanan bilang isang sakdal na haing tao, ayon sa kalooban ni Jehova. (Heb 10:5) Gagamitin ni Jesus ang awtoridad na ibinigay ni Jehova salig sa kaniyang pantubos upang bigyang-buhay ang lahat ng mga tatanggap sa paglalaang ito.​—1Co 15:45; ihambing ang Ro 5:15-17.

      Kaya naman, tunay ngang si Jesus ay isang “katumbas na pantubos,” hindi para sa katubusan ng makasalanang si Adan, kundi para sa katubusan ng buong sangkatauhang nagmula kay Adan. Tinubos niya sila upang sila’y maging kapamilya niya, anupat ginawa niya ito nang umakyat siya sa langit at iharap ang buong halaga ng kaniyang haing pantubos sa Diyos na humihiling ng ganap na katarungan. (Heb 9:24) Sa gayo’y nagkaroon siya ng isang Kasintahang Babae, isang makalangit na kongregasyong binubuo ng kaniyang mga tagasunod. (Ihambing ang Efe 5:23-27; Apo 1:5, 6; 5:9, 10; 14:3, 4.) Ipinakikita rin ng Mesiyanikong mga hula na magkakaroon siya ng “supling” bilang isang “Walang-hanggang Ama.” (Isa 53:10-12; 9:6, 7) Upang siya’y maging gayon, hindi lamang yaong mga kabilang sa kaniyang “Kasintahang Babae” ang dapat saklawin ng kaniyang pantubos. Samakatuwid, bukod pa sa mga “binili mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga” upang bumuo sa makalangit na kongregasyong iyon, may iba pang makikinabang sa kaniyang haing pantubos at magtatamo ng buhay na walang hanggan kapag inalis na ang kanilang mga kasalanan at ang kalakip nitong di-kasakdalan. (Apo 14:4; 1Ju 2:1, 2) Yamang ang mga kabilang sa makalangit na kongregasyon ay maglilingkod na kasama ni Kristo bilang mga saserdote at “mga hari sa ibabaw ng lupa,” tiyak na ang iba pang tatanggap ng mga kapakinabangan ng pantubos ay mga makalupang sakop ng Kaharian ni Kristo, at bilang mga anak ng isang “Walang-hanggang Ama,” sila’y magtatamo ng buhay na walang hanggan. (Apo 5:10; 20:6; 21:2-4, 9, 10; 22:17; ihambing ang Aw 103:2-5.)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share