Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Abraham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Yamang baog pa rin si Sara, waring si Eliezer, ang tapat na katiwala sa bahay na mula sa Damasco, ang magiging tagapagmana ni Abraham. Gayunpaman, muling tiniyak ni Jehova kay Abraham na ang sarili nitong supling ay darami anupat hindi mabibilang, gaya ng mga bituin sa langit, kung kaya si Abraham ay “nanampalataya kay Jehova; at ibinilang niya itong katuwiran sa kaniya,” bagaman naganap ito maraming taon pa bago tinuli si Abraham. (Gen 15:1-6; Ro 4:9, 10)

  • Abraham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang pinakamatinding pagsubok sa pananampalataya ni Abraham ay dumating pagkaraan ng mga 20 taon. Ayon sa tradisyong Judio, si Isaac ay 25 taóng gulang na noon. (Jewish Antiquities, ni F. Josephus, I, 227 [xiii, 2]) Bilang pagsunod sa mga tagubilin ni Jehova, isinama ni Abraham si Isaac at naglakbay patungong H mula sa Beer-sheba sa Negeb patungo sa Bundok Moria, na nasa mismong H ng Salem. Doon ay nagtayo siya ng isang altar at naghanda siya upang ihandog si Isaac, ang ipinangakong binhi, bilang isang haing sinusunog. At talagang “para na ring inihandog [ni Abraham] si Isaac,” sapagkat “inisip niya na magagawa ng Diyos na ibangon siya kahit mula sa mga patay.” Noong mismong sandali na papatayin na ni Abraham si Isaac, pinigilan siya ni Jehova at naglaan ng isang barakong tupa bilang kahalili ni Isaac sa altar na paghahainan. Kaya ang matibay na pananampalatayang ito na sinusuhayan ng ganap na pagsunod ang nag-udyok kay Jehova na pagtibayin ang kaniyang tipan kay Abraham sa pamamagitan ng isang ipinanatang sumpa, isang pantanging legal na garantiya.​—Gen 22:1-18; Heb 6:13-18; 11:17-19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share