Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Buhok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Hinggil sa mga babaing Hebreo, inaalagaan nila ang kanilang buhok bilang palatandaan ng kagandahan (Sol 7:5), anupat pinahahaba nila ito. (Ju 11:2) Ang pagputol ng isang babae sa kaniyang buhok ay tanda ng pagdadalamhati o pagkabagabag. (Isa 3:24) Kung mabihag ng isang kawal na Israelita ang isang birhen mula sa isang kaaway na lunsod at nais niyang mapangasawa ito, kailangan munang putulin ng babae ang kaniyang buhok at asikasuhin ang kaniyang mga kuko at sumailalim sa pagdadalamhati nang isang buwan para sa kaniyang mga magulang, yamang malamang na napatay ang mga ito noong bihagin ang lunsod.​—Deu 21:10-13; 20:10-14.

  • Buhok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mga Kristiyano. Ang mga apostol na sina Pedro at Pablo ay kapuwa nagpayo sa mga babaing Kristiyano na huwag labis na magbigay-pansin sa pag-aayos ng buhok at sa mga palamuti, gaya ng kaugalian noong panahong iyon. Sa halip, pinaalalahanan sila na ang igayak sa kanilang sarili ay ang walang-kasiraang kasuutan ng tahimik at mahinahong espiritu.​—1Pe 3:3, 4; 1Ti 2:9, 10.

      Itinawag-pansin din ng apostol na si Pablo ang kalagayan sa gitna ng mga tao na kaniyang sinulatan at ang karaniwang kaugalian ng mga ito, at ipinakita niya na likas lamang na mas maikli ang buhok ng lalaki kaysa sa babae. (Tingnan ang KALIKASAN.) Ang babaing nagpagupit o nagpaahit ng kaniyang buhok ay kahiya-hiya. Binigyan ng Diyos ang babae ng mahabang buhok “sa halip na isang panakip sa ulo,” ngunit sinabi ni Pablo na hindi maaaring gamitin ng isang babae ang likas na pantakip na ito, na kaluwalhatian sa kaniya, upang ipangatuwiran ang hindi niya paglalagay ng talukbong sa ulo, na isang “tanda ng awtoridad,” kapag siya’y nananalangin o nanghuhula sa kongregasyong Kristiyano. Sa pamamagitan ng pagkilala niya sa bagay na ito at pagsusuot ng talukbong sa gayong mga kalagayan, ipinakikita ng babaing Kristiyano na kinikilala niya ang teokratikong pagkaulo at nagpapamalas siya ng pagpapasakop bilang Kristiyano. Sa gayo’y niluluwalhati niya kapuwa ang kaniyang ulong asawang lalaki at ang Diyos na Jehova, na siyang Ulo ng lahat.​—1Co 11:3-16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share