Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Eskriba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kaya naman nang pumarito si Jesus sa lupa, ang pananalitang “mga eskriba” ay tumutukoy sa isang grupo ng mga lalaking dalubhasa sa Kautusan. Ginawa nilang kanilang propesyon ang sistematikong pag-aaral ng Kautusan at ang pagpapaliwanag nito. Maliwanag na kabilang sila sa mga guro ng Kautusan noon, yaong mga bihasa sa Kautusan. (Luc 5:17; 11:45) Karaniwan nang iniuugnay sila sa relihiyosong sekta ng mga Pariseo, sapagkat kinikilala ng grupong ito ang mga pagpapakahulugan o “mga tradisyon” ng mga eskriba na natipon sa paglipas ng panahon anupat ang mga ito ay naging isang masalimuot na kalipunan ng pagkaliliit at teknikal na mga tuntunin.

  • Eskriba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mariing hinatulan ni Jesus ang mga eskriba ng mga Judio at pati ang mga Pariseo sapagkat dinagdagan nila ang Kautusan at lumikha sila ng mga paraan upang malusutan ang pagsunod sa Kautusan, kung kaya sinabi niya sa kanila: “Pinawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos dahil sa inyong tradisyon.” Bumanggit siya ng isang halimbawa nito: Pahihintulutan nilang makalibre ang isang tao sa obligasyong tumulong sa kaniyang ama o ina​—basta igiit lamang niya na ang bagay o pag-aari na maaari sana niyang gamitin sa pagtulong sa kaniyang mga magulang ay isang kaloob na inialay sa Diyos.​—Mat 15:1-9; Mar 7:10-13; tingnan ang KORBAN.

      Ipinahayag ni Jesus na ang mga eskriba, tulad ng mga Pariseo, ay nagdagdag ng maraming bagay, anupat ginawa nilang pabigat sa mga tao ang pagsunod sa Kautusan at lubha nilang pinahirapan ang mga tao. Karagdagan pa, bilang isang grupo, wala silang tunay na pag-ibig sa mga tao ni nais man nilang tulungan ang mga ito, anupat ayaw man lamang nilang gumamit ng isang daliri upang mapagaan ang pasanin ng mga tao.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share