-
Kaharian ng DiyosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang lipunan ng tao pagkaraan ng Baha at ang mga suliranin nito. Pagkatapos ng Baha, maliwanag na isang patriyarkal na kaayusan ang umiral sa gitna ng mga tao, anupat nakatulong ito sa pagkakaroon ng katatagan at kaayusan. Inutusan ang sangkatauhan na ‘punuin ang lupa,’ na hindi lamang nangangahulugan ng pagpaparami kundi pati ng unti-unting pagpapalawak ng paninirahan ng tao sa buong globo. (Gen 9:1, 7) Dahil sa mga salik na ito, malamang na nalimitahan ang mga suliraning panlipunan, anupat sa pangkalahatan ay napanatili ang mga ito sa loob lamang ng pamilya at naiwasan ang mga alitang madalas na lumilitaw kapag ang populasyon ay malaki at nagsisiksikan. Gayunman, ang di-awtorisadong proyekto sa Babel ay salungat sa nabanggit na utos, anupat tinipon nito ang mga tao upang huwag silang ‘mangalat sa ibabaw ng buong lupa.’ (Gen 11:1-4; tingnan ang WIKA.) Gayundin, lumihis si Nimrod mula sa pamamahalang patriyarkal at itinatag niya ang unang “kaharian” (sa Heb., mam·la·khahʹ). Bilang isang Cusita na mula sa linya ng pamilya ni Ham, sumalakay siya sa teritoryong Semita, ang lupain ng Asur (Asirya), at nagtayo siya roon ng mga lunsod bilang bahagi ng kaniyang nasasakupan.—Gen 10:8-12.
-
-
Kaharian ng DiyosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Totoo, ang mga indibiduwal na umasa sa Diyos na Jehova bilang kanilang Ulo ay nagkaroon din ng personal na mga suliranin at mga alitan. Gayunman, natulungan silang lutasin o pagtiisan ang mga iyon sa paraang kaayon ng matuwid na mga pamantayan ng Diyos at sa paraang hindi sila mapapasamâ. Binigyan sila ng Diyos ng proteksiyon at lakas. (Gen 13:5-11; 14:18-24; 19:15-24; 21:9-13, 22-33) Kaya naman matapos banggitin na ang “mga hudisyal na pasiya [ni Jehova] ay nasa buong lupa,” sinabi ng salmista tungkol kina Abraham, Isaac, at Jacob: “Kakaunti pa ang kanilang bilang, oo, kaunting-kaunti pa, at mga naninirahang dayuhan [sa Canaan]. At gumagala-gala sila sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. Hindi niya [ni Jehova] pinahintulutang dayain sila ng sinumang tao, kundi dahil sa kanila ay sumaway siya ng mga hari, na sinasabi: ‘Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran, at ang aking mga propeta ay huwag ninyong gawan ng masama.’” (Aw 105:7-15; ihambing ang Gen 12:10-20; 20:1-18; 31:22-24, 36-55.)
-