Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-aasawa Bilang Bayaw
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • PAG-AASAWA BILANG BAYAW

      Isang kaugalian kung saan kinukuha ng isang lalaki bilang asawa ang walang-anak na balo ng kaniyang namatay na kapatid upang makapagluwal ng supling na magpapanatili sa linya ng kaniyang kapatid. Ang pandiwang Hebreo na nangangahulugang “tuparin ang pag-aasawa bilang bayaw” ay ya·vamʹ, at nauugnay sa mga terminong Hebreo para sa “bayaw” at “balo ng kapatid.”​—Gen 38:8; Deu 25:5, tlb sa Rbi8; 25:7.

  • Pag-aasawa Bilang Bayaw
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang simulaing ito ay sinunod noong panahon ng mga patriyarka at nang maglaon ay inilakip sa tipang Kautusan sa Israel.

  • Pag-aasawa Bilang Bayaw
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang isang halimbawa ng pag-aasawa bilang bayaw noong panahon ng mga patriyarka ay ang nangyari kay Juda. Kinuha niya si Tamar upang mapangasawa ni Er na kaniyang panganay, ngunit dahil naging masama si Er sa paningin ni Jehova, pinatay siya ni Jehova. “Dahil doon ay sinabi ni Juda kay Onan [na kapatid ni Er]: ‘Sipingan mo ang asawa ng iyong kapatid at tuparin mo sa kaniya ang pag-aasawa bilang bayaw at magbangon ka ng supling para sa iyong kapatid.’ Ngunit alam ni Onan na ang supling ay hindi magiging kaniya; at nangyari, nang sipingan niya ang asawa ng kaniyang kapatid ay pinatapon niya ang kaniyang semilya sa lupa upang hindi magbigay ng supling sa kaniyang kapatid.” (Gen 38:8, 9) Dahil tumanggi si Onan na gampanan ang kaniyang obligasyon may kinalaman sa kaayusan ng pag-aasawa bilang bayaw, pinatay siya ni Jehova. Pagkatapos ay sinabihan ni Juda si Tamar na maghintay hanggang sa lumaki ang kaniyang ikatlong anak na si Shela, ngunit hindi ipinatupad ni Juda kay Shela ang kaniyang tungkulin kay Tamar.

      Nang maglaon, pagkamatay ng asawa ni Juda, minaniobra ni Tamar ang mga pangyayari upang makapagsilang siya ng isang tagapagmana mula sa kaniyang biyenan. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbabalatkayo, anupat naglagay siya ng isang alampay at isang talukbong sa kaniyang sarili, at umupo siya sa tabi ng daan na alam niyang daraanan ni Juda. Napagkamalan siya ni Juda na isang patutot at sinipingan siya nito. Humingi siya ng ilang bagay mula rito bilang katibayan ng kanilang pagsisiping, at nang lumabas ang katotohanan, hindi siya sinisi ni Juda kundi ipinahayag nito na mas matuwid si Tamar kaysa sa kaniya. Sinasabi ng rekord na hindi na siya nakipagtalik kay Tamar nang malaman niya kung sino ito. Kaya di-sinasadyang si Juda mismo ang nakapagbangon ng isang tagapagmana para kay Er sa pamamagitan ng kaniyang manugang na babae.​—Gen 38.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share