Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagkamapagpatuloy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Noong Sinaunang Panahon. Noong panahon ng mga patriyarka, bagaman kaugalian ng mga Ehipsiyo at ng iba pang mga tao ang pagiging mapagpatuloy, ang mga Semita ang pinakabantog sa katangiang ito. Itinuturing noon ang pangangalaga sa mga manlalakbay bilang isang mahalagang bahagi ng pamumuhay, at matindi ang paggalang na ipinakikita sa bisita, ito man ay estranghero, kaibigan, kamag-anak, o inanyayahang panauhin.

      Mula sa mga ulat ng Bibliya, matututuhan natin na kinaugalian na noon ang pagiging mapagpatuloy sa manlalakbay. Binabati siya sa pamamagitan ng isang halik, lalo na kung isa siyang kamag-anak. (Gen 29:13, 14) Hinuhugasan ang kaniyang mga paa ng isang miyembro ng sambahayan, karaniwa’y ng isang lingkod (Gen 18:4), at pinakakain at inaalagaan ang kaniyang mga hayop. (Gen 24:15-25, 29-33) Kadalasan, hinihimok siyang manatili nang magdamag at kung minsan ay sa loob pa nga ng ilang araw. (Gen 24:54; 19:2, 3) Itinuturing na ang bisita ay nasa ilalim ng proteksiyon ng may-bahay sa panahon ng kaniyang pananatili sa tahanan nito. (Gen 19:6-8; Huk 19:22-24) Sa paglisan niya, maaaring samahan siya nang bahagya sa kaniyang paglalakbay.​—Gen 18:16.

      Itinuturing noon na mahalaga ang pagpapakita ng pagkamapagpatuloy, gaya ng makikita sa sinabi ni Reuel nang banggitin ng kaniyang mga anak na babae ang tungkol sa manlalakbay na “Ehipsiyo” (na ang totoo ay si Moises) na tumulong sa kanila na magpainom ng kanilang kawan. Bumulalas si Reuel: “Ngunit nasaan siya? Bakit ninyo iniwan ang lalaki? Tawagin ninyo siya, upang makakain siya ng tinapay.”​—Exo 2:16-20.

  • Pagkamapagpatuloy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa mga lingkod ng Diyos. Bagaman karaniwang kaugalian noon ang pagkamapagpatuloy, ang mainam na pagkamapagpatuloy na inilahad sa mga ulat ng Bibliya ay walang alinlangang dahil ang karamihan sa mga nagpakita nito ay mga lingkod ni Jehova. Partikular na kapansin-pansin ang pagkamapagpatuloy at paggalang na ipinakita sa mga propeta o sa pantanging mga lingkod ng Diyos. Habang kumakain ang tatlong anghel na pinaglaanan ni Abraham ng pagkain, nanatili siyang nakatayo sa tabi nila. Waring isa itong palatandaan ng paggalang ni Abraham sa mga lalaking iyon na nakilala niya bilang mga anghelikong kinatawan ni Jehova. (Gen 18:3, 7, 8)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share