Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paglapit sa Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pagkasaserdote ni Melquisedec. Bagaman si Noe ang naghandog sa altar para sa kaniyang pamilya, walang espesipikong binanggit na “saserdote” na kumatawan sa mga tao sa paglapit nila sa Diyos hanggang noong sumapit ang panahon ni Melquisedec. Ang pagkasaserdote ni Melquisedec ay kinilala ni Abraham, na ‘nagbigay sa kaniya ng ikasampu ng lahat ng bagay.’ (Gen 14:18-20) Sa Hebreo 7:1-3, 15-17, 25, tinutukoy si Melquisedec bilang isang makahulang larawan ni Kristo Jesus.

  • Paglapit sa Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Dahil sa gayong katayuan ni Abraham, naging kuwalipikado pa nga siya na magsumamo alang-alang sa iba (Gen 20:7), gayunma’y hindi kailanman nawala ang kaniyang matinding paggalang sa harap ng presensiya ni Jehova o ng Kaniyang kinatawan. (Gen 17:3; 18:23-33) Si Job, na malayong kamag-anak ni Abraham, ay naglingkod bilang saserdote para sa kaniyang pamilya, anupat naghandog siya ng mga haing sinusunog para sa kanila (Job 1:5); nagsumamo rin siya alang-alang sa kaniyang tatlong “kasamahan,” at “tinanggap ni Jehova ang mukha ni Job.”​—Job 42:7-9.

  • Paglapit sa Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bilang inatasang kinatawan ng Diyos sa bansang Israel, si Moises ay nakalapit sa presensiya ni Jehova sa pantanging paraan noong siya’y nabubuhay, yamang nagsalita si Jehova sa kaniya nang “bibig sa bibig.” (Bil 12:6-13; Exo 24:1, 2, 12-18; 34:30-35) Tulad ni Melquisedec, si Moises ay nagsilbi ring isang makahulang larawan ni Kristo Jesus.​—Deu 18:15; Gaw 3:20-23.

      Idiniin ang kahalagahan ng sinang-ayunang paglapit. Bago ibinigay ang tipang Kautusan, tinagubilinan ni Jehova ang buong bansang Israel na pabanalin ang kanilang sarili sa loob ng tatlong araw at labhan ang kanilang mga damit. Itinakda ang mga hanggahan sa paglapit at walang tao o hayop ang maaaring humipo sa bundok ng Sinai upang hindi sila tumanggap ng parusang kamatayan. (Exo 19:10-15) Pagkatapos ay “inilabas . . . ni Moises ang bayan mula sa kampo upang salubungin ang tunay na Diyos,” anupat pinatayo niya sila sa paanan ng bundok, at umakyat siya sa bundok upang tanggapin ang mga kundisyon ng tipan sa gitna ng mga kulog at kidlat, usok at apoy, at mga tunog ng trumpeta. (Exo 19:16-20) Inutusan si Moises na huwag pahintulutang “ang mga saserdote at ang bayan ay . . . lumampas upang umahon patungo kay Jehova, upang hindi siya lumabas laban sa kanila.” (Exo 19:21-25) Malamang na ang “mga saserdote” na binanggit dito ay ang pangunahing lalaki ng bawat pamilya sa Israel, yamang sa gayong katayuan ay ‘palagian silang lumalapit kay Jehova’ para sa kani-kanilang pamilya, gaya ni Job.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share