Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kristo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • KRISTO

      Ang titulong ito na nagmula sa Griegong Khri·stosʹ ay katumbas ng Hebreong Ma·shiʹach, “Mesiyas; Pinahiran.” (Ihambing ang Mat 2:4, tlb sa Rbi8.) Ang “Kristo” ay hindi basta isang katawagan na idinaragdag upang maipakita ang kaibahan ng Panginoong Jesus sa mga kapangalan niya; ito’y isang opisyal na titulo.​—Tingnan ang JESU-KRISTO; MESIYAS.

      Ang pagdating ng Kristo, ang isa na papahiran ni Jehova ng Kaniyang espiritu upang maging Mesiyanikong Hari, ay inihula maraming siglo bago ang kapanganakan ni Jesus. (Dan 9:25, 26) Gayunman, nang ipanganak si Jesus, hindi pa siya naging Pinahiran o Kristo. Noong ihula ng anghel ang kaniyang kapanganakan, tinagubilinan nito si Jose: “Tatawagin mong Jesus ang kaniyang pangalan.” (Mat 1:21) Ngunit nang ipatalastas din ng isang anghel sa mga pastol malapit sa Betlehem ang tungkol sa kapanganakang ito, may pananabik niyang binanggit ang panghinaharap na papel ni Jesus nang kaniyang sabihin: “Ipinanganak sa inyo ngayon ang isang Tagapagligtas, na siyang Kristo na Panginoon,” samakatuwid nga, “na siyang magiging Kristo ang Panginoon.”​—Luc 2:11, tlb sa Rbi8.

      Kapag ang personal na pangalan ni Jesus ay sinusundan ng titulong Kristo, itinatawag-pansin nito ang mismong persona at na siya ang isa na naging Pinahiran ni Jehova. Naganap ito nang siya’y sumapit sa edad na mga 30 taon, mabautismuhan sa tubig, at mapahiran ni Jehova ng kaniyang espiritu na nakita sa anyo ng kalapati na bumababa sa kaniya. (Mat 3:13-17) Ito ang puntong tinutukoy ni Pedro noong Pentecostes: “Ginawa siya ng Diyos bilang kapuwa Panginoon at Kristo, ang Jesus na ito,” anupat maliwanag na naaalaala ang pananalita na narinig niyang binigkas mismo ni Jesus, na siyang unang gumamit sa terminong “Jesu-Kristo.” (Gaw 2:36-38; Ju 17:3) Ang pananalitang “Jesu-Kristo” ay ginagamit din sa pambungad na mga salita ng Kristiyanong Griegong Kasulatan.​—Mat 1:1.

      Sa kabilang dako, kapag inuna ang titulo kasunod ang pangalan at sinabing “Kristo Jesus” sa halip na “Jesu-Kristo,” higit na idiniriin ang katungkulan o posisyong hawak ni Jesus. Pangunahin nitong itinatawag-pansin ang katungkulan, at pangalawahin ang may-hawak ng katungkulan, gaya sa katawagang Haring David o Gobernador Zerubabel. Ipinaaalaala nito ang natatanging opisyal na posisyon ni Jesus bilang ang Pinahiran ni Jehova, isang marangal na posisyon na doo’y hindi makikibahagi ang iba pa sa kaniyang mga tagasunod na mga pinahiran din. Tanging ang minamahal na Anak ni Jehova ang tinatawag na “Kristo Jesus.” Ginamit ni Pablo ang pananalitang ito sa kaniyang unang kinasihang liham. (1Te 2:14) Ginamit din ito ni Lucas nang minsan sa Gawa 24:24 (NW; RS), may kaugnayan sa pagpapatotoo ni Pablo.

      Ang paggamit ng pantukoy na “ang” kasama ng titulong ito (“ang Kristo”) ay isa pang paraan upang itawag-pansin kung minsan ang katungkulang hawak ni Jesus. (Mat 16:16; Mar 14:61) Gayunman, maaaring dumepende sa kaayusan ng pangungusap sa balarila kung gagamit ng pantukoy o hindi, sapagkat sabi nga ni W. E. Vine: “Sa pangkalahatan, kapag ang titulo [na Kristo] ang siyang simuno ng pangungusap, mayroon itong pantukoy; kapag ito’y bahagi ng panaguri, wala itong pantukoy.”​—Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words, 1981, Tomo 1, p. 190.

  • Kristo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • May sampung pagtukoy sa khri·stosʹ sa aklat ng Mga Awit, anupat partikular na natatangi yaong nasa Awit 2:1, 2: Nagkakagulo ang mga bansa at nagpipisan ang mga hari sa lupa “laban kay Jehova at laban sa kaniyang pinahiran.” Sinipi ng mga apostol ang hulang ito at ikinapit ang titulo sa ‘banal na lingkod na si Jesus, na pinahiran ni Jehova.’ (Gaw 4:24-27)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share