-
Ang Imperyo ng BabilonyaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang Imperyo ng Babilonya
ANG Babilonya ay tunay na isang kahanga-hangang lunsod—ang nagtataasan nitong mga pader, ang Processional Way nito, ang bantog na Hanging Gardens, at ang mahigit na 50 templo.
Maagang-maaga sa kasaysayan ng tao, ang Babel (nang maglaon ay tinawag na Babilonya) ay naging isang prominenteng sentro ng pagsamba na salansang sa tunay na Diyos na si Jehova. (Gen 10:9, 10) Binigo ni Jehova ang layunin ng mga tagapagtayo nito sa pamamagitan ng paggulo sa wika ng mga tao at pagpapangalat sa kanila patungo sa lahat ng dako sa lupa. (Gen 11:4-9) Sa gayon, ang huwad na pagsamba na nagmula sa Babilonya ay lumaganap sa ibang mga lupain.
Ang pagsalansang ng Babilonya kay Jehova ay humantong sa pagbagsak nito. Sa hula, inilarawan ni Jehova ang Babilonya bilang isang leon na may mga pakpak ng agila; inihula rin niya na babagsak ito at matitiwangwang. Noong gabi ng Oktubre 5, 539 B.C.E., ang Babilonya ay nakuha ni Cirong Dakila, na ang pangalan ay inihula ni Jehova. Bumagsak ang Babilonya ayon sa mismong paraan na inihula. Nang bandang huli, ang lunsod ay naging “mga bunton ng mga bato,” anupat hindi na muling maitatayo.—Jer 51:37; tingnan ang Isa 44:27–45:2.
MAPA: Ang Imperyo ng Babilonya
Muling-itinayong Ishtar Gate
Ang ziggurat sa Ur. Malamang na ang toreng itinayo sa Babel ay isang relihiyosong ziggurat na gaya nito
Inilalahad ng inskripsiyong ito ang paghahambog ni Nabucodonosor II tungkol sa lahat ng ginawa niya upang palakihin at palawakin ang Babilonya (Ihambing ang Dan 4:30)
Mga Pader ng Babilonya. Ang lunsod ay waring di-magagapi. Ipinagsasanggalang ito ng napakalalaking doblihang pader. May ikalawang hanay ng mga pader na nakapalibot sa silangang bahagi ng lunsod; isang pader din ang nagsisilbing pananggalang sa kahabaan ng silangang pampang ng Eufrates na dumaraan sa lunsod. Ang templo ni Marduk ang tampok na bahagi ng Babilonya. Nauugnay dito ang tore ng Etemenanki (itinuturing ng ilan bilang ang Tore ng Babel), na umaabot sa taas na 91 m (300 piye)
Dekorasyon mula sa Processional Way ng Babilonya. Kapansin-pansin na sa Bibliya, ang Babilonya ay isinasagisag ng isang leon (Dan 7:4)
Luwad na modelo ng atay ng tupa, inukitan ng mga tanda at mga pormula sa mahika; ginamit sa Babilonya para sa panghuhula (Ihambing ang Eze 21:20-22)
Si Nabonido, ang huling kataas-taasang monarka ng Babilonya, at ang mga sagisag ng mga diyos niya (buwang gasuklay ng diyos-buwan na si Sin, may-pakpak na araw ng diyos-araw na si Shamash, bituin ni Ishtar). Hindi nailigtas ang Babilonya ng mga bagay sa kalangitan at ng mga diyos na iniuugnay sa mga ito (Isa 47:12-15)
Ito ang sinasabing pinakamatandang halimbawa ng horoscope; mula sa Babilonia; pinaniniwalaang mula pa noong ikalimang siglo B.C.E.
Ang mga guho ng sinaunang Babilonya ay nagpapatotoo sa pagkamaaasahan ng hula ng Bibliya. Ang Babilonya noon “ang kagayakan ng mga kaharian”; ito ngayon ay “tiwangwang na kaguhuan” (Isa 13:19-22; Jer 50:13)
Ang pagbagsak ng Babilonya
Ang Nabonidus Chronicle—isang tapyas na cuneiform na nagpapatunay sa biglaang pagbagsak ng Babilonya kay Ciro
-
-
Ang Pananakop ng Babilonya sa JerusalemKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang Pananakop ng Babilonya sa Jerusalem
ANG sinaunang Jerusalem ay nagtamasa ng isang natatanging karangalan: Iyon ang tanging lunsod sa lupa na pinaglagyan ni Jehova ng kaniyang pangalan. (1Ha 11:36) Iyon din ang naging sentro ng dalisay na pagsamba kay Jehova. Doon itinayo ang kaniyang templo, at dahil dito ang Jerusalem ay matatawag na “pahingahang-dako” ng Diyos. (Aw 132:13, 14; 135:21) Karagdagan pa, ang Jerusalem ang dako kung saan umupo sa “trono ni Jehova” ang mga haring nagmula sa Davidikong linya, na kumatawan sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapatupad sa kaniyang mga kautusan.—1Cr 29:23.
Kabaligtaran nito, ang sinaunang Babilonya ang sentro na mula roo’y lumaganap sa buong lupa ang huwad na pagsamba. Kaya naman may pantanging kahulugan ang pagpapahintulot ni Jehova na wasakin ng Babilonya ang di-tapat na Jerusalem. Noong 620 B.C.E., ang Jerusalem ay naging sakop ng Babilonya. (2Ha 24:1) Pagkaraan ng tatlong taon, noong 617 B.C.E., ipinatapon ng mga Babilonyo ang marami sa mga tumatahan sa Jerusalem—mga maharlika, makapangyarihang mga lalaki, at mga bihasang manggagawa—at sinamsam ang mga kayamanan ng lunsod. (2Cr 36:5-10) Nang dakong huli, ang lunsod, pati na ang templo, ay winasak at libu-libong Judio ang dinala sa pagkatapon.—2Cr 36:17-20.
Naganap ang pagkawasak ng Jerusalem noong 607 B.C.E., isang napakahalagang taon kung isasaalang-alang ang mga hula sa Bibliya. Bagaman ang petsang ito ay naiiba sa ginagamit ng maraming komentarista sa Bibliya, ito ang palaging ginagamit sa publikasyong ito. Bakit? Sapagkat mas pinaniniwalaan namin ang patotoo ng Bibliya kaysa sa mga konklusyon ng mga iskolar batay sa pira-pirasong ulat ng kasaysayan na nakuha sa mga tapyas na cuneiform.
Ang kronikang Babilonyo na naglalahad tungkol sa pagbihag ni Nabucodonosor sa Jerusalem, pagdakip sa hari, at pag-aatas sa isa na pinili niya mismo; 617 B.C.E.
Ayon sa ilang arkeologo, ang “Sunóg na Silid” na ito na nahukay sa Jerusalem ay mula pa noong mawasak ang Jerusalem sa panahon ng huling hari ng Juda
-