Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Asirya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Gayunman, dapat pansinin na pabagu-bago ang mga hangganang ito, anupat lumalawak ang Asirya hanggang sa T ng Maliit na Zab kapag humihina ang Babilonya, ngunit muli itong umuurong kapag humihina ang pamumuno ng Asirya at lumalakas naman ang Babilonya. Pabagu-bago rin ang iba pang mga hangganan ng Asirya lalo na yaong sa Tigris, yamang maagang pinalawak ng Asirya ang impluwensiya nito sa K ng ilog na iyon. Sabihin pa, higit na mas malawak ang teritoryong nasaklaw ng Imperyo ng Asirya.​—MAPA, Tomo 1, p. 954.

      Nagkaroon ng malapit na ugnayan ang Asirya at Babilonya sa buong kasaysayan ng mga ito. Ang mga ito ay magkaratig na mga estado na magkasamang tumatahan sa isang rehiyon na walang tunay at likas na dibisyon na nagsisilbing harang sa pagitan ng kani-kanilang teritoryo. Gayunman, ang kalakhang bahagi ng mismong Asirya ay bulubundukin at baku-bakong lupain, anupat may klimang mas kaayaaya at nakapagpapasigla kaysa sa Babilonia. Ang mga tao roon ay mas masigla at agresibo kaysa sa mga Babilonyo. Inilalarawan sila sa inukit na mga relyebe bilang matitipuno, maiitim ang balat, makakapal ang kilay at balbas, at matatangos ang ilong.

  • Asirya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sa kalakhang bahagi, ang relihiyon ng Asirya ay minana sa Babilonya, at bagaman ang sarili nilang pambansang diyos na si Asur ang itinuring ng mga Asiryano bilang kataas-taasan, kinilala pa rin nila ang Babilonya bilang ang pangunahing sentro ng relihiyon.

      [Larawan sa pahina 229]

      Inukit na larawan mula sa hilagang palasyo sa Nineve. Ang hari at ang kaniyang reyna sa isang salu-salo sa hardin; nakasabit sa puno sa harap ng manunugtog ng alpa ang ulo ng isang nalupig na hari

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share