Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ruta ng Pag-alis. Malamang na nasa iba’t ibang lokasyon ang mga Israelita nang magsimula silang humayo palabas ng Ehipto, anupat sa pasimula ay hindi iisang malaking kalipunan. Ang iba ay maaaring sumama sa pangunahing kalipunan ng mga humahayo nang dumaan ang mga ito sa kinaroroonan nila. Ang pasimula ay sa Rameses, maaaring ang lunsod o isang distrito na may gayong pangalan, anupat ang unang bahagi ng paglalakbay ay hanggang sa Sucot. (Exo 12:37) Iminumungkahi ng ilang iskolar na, habang nagsisimulang humayo si Moises mula sa Rameses, ang mga Israelita ay nanggaling sa iba’t ibang bahagi ng lupain ng Gosen at nagtagpo sa Sucot.​—MAPA, Tomo 1, p. 536.

  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang eksaktong rutang tinahak ng mga Israelita mula sa Rameses hanggang sa Dagat na Pula ay hindi matatalunton nang may katiyakan sa ngayon, yamang hindi na tiyakang matukoy ang mga lugar na binanggit sa ulat. Ipinakikita ng karamihan sa mga reperensiyang akda na tumawid sila sa lugar na tinatawag na Wadi Tumilat sa rehiyon ng Delta sa Ehipto. Gayunman, ito’y batay sa palagay na ang Rameses ay nasa HS sulok ng rehiyon ng Delta. Ngunit gaya ng sinabi ng Propesor ng Ehiptolohiya na si John A. Wilson: “Nakalulungkot, hindi nagkakasundo ang mga iskolar kung saan ang eksaktong lokasyon ng Rameses. Ang mga Paraon na nagngangalang Ramses, lalo na si Ramses II, ay nagpangalan ng maraming bayan sa kanilang sarili. Karagdagan pa, may mga pagtukoy sa lunsod na ito sa mga nahukay sa mga bayan ng Delta na hindi tiyakang makapag-aangkin na siyang lokasyon nito.”​—The Interpreter’s Dictionary of the Bible, inedit ni G. Buttrick, 1962, Tomo 4, p. 9.

      Iba’t ibang dako na ang iminungkahi, pansamantalang tinanggap ng karamihan, at pagkatapos ay tinanggihan upang suportahan ang ibang posibleng lokasyon. Ang lugar ng Tanis (makabagong San el-Hagar) na 56 na km (35 mi) sa TK ng lunsod ng Port Said sa baybayin ng Mediteraneo ay popular, ngunit gayundin ang Qantir, na mga 20 km (12 mi) sa mas dako pang T. Kung tungkol sa unang lugar, ang Tanis, mapapansin na itinatala ng isang tekstong Ehipsiyo ang Tanis at (Per-)Rameses bilang magkahiwalay na mga dako, hindi iisa, at na ang ilan sa mga bagay na nahukay sa Tanis ay nagbibigay ng katibayan na nagmula ang mga ito sa ibang mga dako. Kaya naman sinabi pa ni John A. Wilson na “walang garantiya na ang mga inskripsiyon na nagtataglay ng pangalang Rameses ay orihinal na nagmula roon.” Kung tungkol sa Tanis at Qantir, masasabing ang mga inskripsiyong may kinalaman kay Ramses II na natagpuan sa mga lugar na ito ay nagpapakita lamang ng kaugnayan sa Paraong iyon, ngunit hindi nagpapatunay na ang alinman sa mga lugar ay ang Raamses sa Bibliya na itinayo ng mga Israelita bilang imbakang dako bago pa man ang kapanganakan ni Moises. (Exo 1:11) Gaya ng ipinakikita sa artikulong RAAMSES, RAMESES, kakaunting katibayan ang sumusuporta sa pangmalas na si Ramses II ang Paraon noong panahon ng Pag-alis.

  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kung tungkol sa kabisera ng Ehipto, ang pinakaposibleng lokasyon ay ang Memfis, ang pangunahing sentro ng pamahalaan sa kalakhang bahagi ng kasaysayan ng Ehipto. (Tingnan ang MEMFIS.) Kung gayon nga, malamang na ang dako kung saan nagsimula ang Pag-alis ay di-kalayuan sa Memfis anupat si Moises ay naipatawag sa harap ni Paraon pagkalampas ng hatinggabi noong gabi ng Paskuwa at pagkatapos ay nakarating agad sa Rameses upang pasimulan ang paghayo patungong Sucot bago matapos ang ika-14 na araw ng Nisan. (Exo 12:29-31, 37, 41, 42) Ang pinakamatandang tradisyong Judio, na iniulat ni Josephus, ay nagsasabing nagsimula ang paghayo di-kalayuan sa H ng Memfis.​—Jewish Antiquities, II, 315 (xv, 1).

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share