Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paskuwa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ginugunita tuwing Paskuwa ang pagliligtas sa mga Israelita mula sa Ehipto at ang ‘paglampas’ sa kanilang mga panganay nang puksain ni Jehova ang mga panganay ng Ehipto. Ginaganap ito sa panahong nagsisimula na ang pag-aani ng sebada.​—Exo 12:14, 24-47; Lev 23:10.

      Ang Paskuwa ay isang pagdiriwang na nagsisilbing tagapagpaalaala. Kaya naman iniutos sa Kasulatan: “At mangyayari nga na kapag sinabi sa inyo ng inyong mga anak, ‘Ano ang kahulugan sa inyo ng paglilingkod na ito?’ kung gayon ay sabihin ninyo, ‘Ito ang hain ng paskuwa para kay Jehova, na lumampas sa mga bahay ng mga anak ni Israel sa Ehipto nang salutin niya ang mga Ehipsiyo, ngunit iniligtas niya ang aming mga sambahayan.’⁠”​—Exo 12:26, 27.

  • Paskuwa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Noong Paskuwa sa Ehipto, ang ulo ng pamilya sa bawat tahanan ang siyang pumatay sa kordero (o kambing), at ang lahat ay kinailangang manatili sa loob ng bahay upang hindi sila patayin ng anghel. Ang mga nakibahagi sa hapunan ay kumain nang nakatayo, may bigkis sa mga balakang, may baston sa kamay, at nakasandalyas, sa gayo’y nakahanda para sa mahabang paglalakbay sa malubak na lupain (kadalasa’y nakatapak lamang sila sa kanilang pang-araw-araw na gawain). Pagsapit ng hatinggabi, pinatay ng anghel ang lahat ng panganay ng mga Ehipsiyo, ngunit nilampasan nito ang mga bahay na winisikan ng dugo. (Exo 12:11, 23) Naapektuhan ang bawat sambahayang Ehipsiyo kung saan may panganay na lalaki, mula sa sambahayan ni Paraon mismo hanggang sa panganay ng bilanggo. Hindi ang ulo ng sambahayan ang pinatay noon, bagaman maaaring panganay rin siya, kundi ang lahat ng panganay na lalaki sa ilalim ng ulo ng sambahayan, gayundin ang panganay na lalaki ng mga hayop.​—Exo 12:29, 30; tingnan ang PANGANAY.

      Ang Sampung Salot na pinasapit sa Ehipto ay pawang nagsilbing paghatol sa mga diyos ng Ehipto, lalo na ang ikasampu, ang pagkamatay ng mga panganay. (Exo 12:12) Yamang ang barakong tupa ay sagrado sa diyos na si Amon-Ra, ang pagsasaboy ng dugo ng kordero ng Paskuwa sa mga pintuan ay kalapastanganan sa paningin ng mga Ehipsiyo. Sagrado rin sa kanila ang toro, at ang pagpatay sa mga panganay ng mga toro ay isang dagok sa diyos na si Osiris. Si Paraon mismo ay sinasamba bilang anak ni Ra. Kaya naman ipinakita ng pagkamatay ng mismong panganay ni Paraon na kapuwa inutil si Ra at si Paraon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share