Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sinai
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagkababa ni Moises mula sa Bundok Sinai, narinig ng mga Israelita ang “Sampung Salita” mula sa gitna ng apoy at ng ulap. (Exo 19:19–20:18; Deu 5:6-22) Dito’y nagsalita si Jehova sa kanila sa pamamagitan ng isang anghel, gaya ng nililinaw sa Gawa 7:38, Hebreo 2:2, at Galacia 3:19.

  • Sinai
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagkatapos nito, si Moises, kasama si Josue, ay umakyat sa bundok, anupat sa pagkakataong ito’y upang tumanggap ng higit pang mga utos at ng mga tapyas na bato na naglalaman ng “Sampung Salita.” Gayunman, noong ikapitong araw lamang inanyayahang pumasok sa ulap si Moises. Waring hinintay ni Josue si Moises sa bundok, sa isang lugar kung saan hindi niya nakikita o naririnig ang anumang nangyayari sa kampo ng mga Israelita. (Exo 24:12-18) Gayunman, hindi sinasabi kung si Josue ay hindi kumain o uminom sa buong yugto ng 40 araw, tulad ni Moises. Sa pagwawakas ng yugtong ito, habang sina Moises at Josue ay bumababa sa Bundok Sinai, naririnig nila ang masayang awitan sa kampo ng mga Israelita. Mula sa paanan ng Bundok Sinai, nakita ni Moises ang ginintuang guya at ang mga pagsasaya. Kaagad niyang inihagis ang dalawang tapyas na bato, anupat binasag ang mga iyon sa paanan ng bundok.​—Exo 32:15-19; Heb 12:18-21.

      Nang maglaon, tinagubilinan si Moises na gumawa ng dalawang tapyas na bato na katulad niyaong binasag niya at muli siyang umakyat sa Bundok Sinai, upang maisulat sa mga iyon ang “Sampung Salita.” (Exo 34:1-3; Deu 10:1-4) Muling gumugol si Moises ng 40 araw sa bundok nang hindi kumakain o umiinom. Upang maging posible ito, tiyak na tinulungan siya ng Diyos.​—Exo 34:28; lumilitaw na ito rin ang 40 araw na binabanggit sa Deu 9:18; ihambing ang Exo 34:4, 5, 8; Deu 10:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share