-
Araw, IIKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Hindi pinangalanan ng mga Hebreo ang mga araw ng sanlinggo, maliban sa ikapitong araw na tinawag na Sabbath. (Tingnan ang SABBATH, ARAW NG.) Tinutukoy nila ang iba’t ibang araw ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito. Noong mga araw ni Jesus at ng kaniyang mga apostol, ang araw bago ang Sabbath ay tinatawag na Paghahanda. (Mat 28:1; Gaw 20:7; Mar 15:42; Ju 19:31; tingnan ang SANLINGGO.) Sa mga pagano nanggaling ang kaugaliang tawagin ang mga araw ayon sa pangalan ng mga planeta at iba pang mga bagay sa kalangitan. Tinawag ng mga Romano ang kanilang mga araw ayon sa pangalan ng Araw [Sun], Buwan [Moon], Mars, Mercury, Jupiter, Venus, at Saturn, ngunit sa hilagang Europa, apat sa mga pangalang ito ang binago at isinunod sa mga pangalang Aleman ng Romanong mga diyos na kinakatawanan ng mga araw na iyon.
-
-
Araw, IIKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang malawakang paggamit na ito sa salitang “araw” upang tumukoy sa mga yunit ng panahon na may iba’t ibang haba ay malinaw na makikita sa ulat ng paglalang sa Genesis. Doon ay may binabanggit na isang sanlinggo na binubuo ng anim na araw ng paglalang na sinundan ng isang ikapitong araw ng kapahingahan. Ang sanlinggong itinakda sa mga Judio sa ilalim ng tipang Kautusan na ibinigay sa kanila ng Diyos ay isang munting larawan ng sanlinggong iyon ng paglalang. (Exo 20:8-11)
-