Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paglapit sa Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa Ilalim ng Tipang Kautusan. Sa pamamagitan ng tipang Kautusan, itinatag ang isang kaayusan na may probisyon na doo’y makalalapit sa Diyos ang mga indibiduwal at ang buong bansa sa pamamagitan ng itinalagang pagkasaserdote at ng mga haing itinakda ng Kautusan, kaugnay ng isang sagradong tabernakulo at, nang maglaon, ng isang templo. Ang mga anak ni Aaron na Levita ang naglingkod bilang mga saserdote para sa bayan. Ngunit kung mangangahas ang iba, maging ang mga Levita na hindi mula sa linya ni Aaron, na lumapit sa altar o sa banal na mga kagamitan upang magsagawa ng gayong paglilingkod, sila ay mamamatay. (Lev 2:8; Bil 3:10; 16:40; 17:12, 13; 18:2-4, 7) Kailangang matugunan ng mga saserdote ang mahihigpit na kahilingan may kinalaman sa pisikal at seremonyal na kalinisan, at kailangan nilang isuot ang itinakdang kagayakan kapag lumalapit sila sa altar o “sa dakong banal.” (Exo 28:40-43; 30:18-21; 40:32; Lev 22:2, 3) Ang anumang kawalang-galang o paglabag sa mga tagubilin ng Soberanong Diyos hinggil sa paglapit sa kaniya ay magdudulot ng parusang kamatayan, gaya ng nangyari sa dalawang anak mismo ni Aaron. (Lev 10:1-3, 8-11; 16:1) Sa buong bansa, tanging si Aaron, at ang mga humalili sa kaniya bilang mataas na saserdote, ang makapapasok sa Kabanal-banalan sa harap ng kaban ng tipan, na iniuugnay sa presensiya ni Jehova; gayunman, makapapasok lamang siya roon sa isang araw sa bawat taon, sa Araw ng Pagbabayad-Sala. (Lev 16:2, 17) Sa ganitong natatanging posisyon, si Aaron ay patiunang lumarawan kay Kristo Jesus bilang ang Mataas na Saserdote ng Diyos.​—Heb 8:1-6; 9:6, 7, 24.

  • Paglapit sa Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa Israel, ang paglapit sa Diyos hinggil sa mga bagay na nakaaapekto sa buong bansa ay isinasagawa ng hari, saserdote, at propeta. Sa ilang pagkakataon, ginagamit ang Urim at Tumim ng mataas na saserdote upang alamin ang patnubay ng Diyos. (1Sa 8:21, 22; 14:36-41; 1Ha 18:36-45; Jer 42:1-3)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share