Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Malinis, Kalinisan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kapag nagtalik ang isang lalaki at ang kaniyang asawa at nilabasan ng semilya ang lalaki, dapat silang maligo at magiging marumi sila hanggang sa gabi. (Lev 15:16-18) Kung sa di-inaasahan ay magsimula ang regla ng asawang babae sa panahon ng pagtatalik, magiging marumi nang pitong araw ang asawang lalaki, gaya ng kaniyang asawang babae. (Lev 15:24) Kung sasadyain naman nilang hamakin ang kautusan ng Diyos at magtatalik sila samantalang nireregla ang babae, papatawan ng parusang kamatayan ang lalaki at ang babae. (Lev 20:18) Dahil sa mga nabanggit na dahilan, kapag kahilingan ang seremonyal na kalinisan, gaya halimbawa kapag pinababanal ang mga lalaki para sa isang pakikipagbakang militar, kailangan silang umiwas sa pakikipagtalik sa kani-kanilang mga asawa.​—1Sa 21:4, 5; 2Sa 11:8-11.

  • Malinis, Kalinisan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bakit sinasabi sa Kautusang Mosaiko na nagiging “marumi” ang isang tao dahil sa seksuwal na pakikipagtalik at panganganak?

      Bumabangon ang tanong: Bakit ang normal at wastong mga bagay gaya ng pagreregla, seksuwal na pagtatalik ng mag-asawa, at panganganak ay itinuturing sa Kautusan bilang ‘nagpaparumi’ sa isa? Una sa lahat, itinaas nito sa antas ng kabanalan ang pinakamatalik na ugnayang pangmag-asawa, anupat tinuturuan nito ang mag-asawa ng pagpipigil sa sarili, pagpapahalaga sa mga sangkap sa pag-aanak, at paggalang sa pagiging sagrado ng buhay at dugo. Kapaki-pakinabang din sa kalusugan ang mahigpit na pagsunod sa mga tuntuning ito. Ngunit may isa pang aspekto hinggil sa bagay na ito.

      Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang unang lalaki at babae taglay ang seksuwal na mga simbuyo at ang kakayahang magkaanak at inutusan niya sila na magsiping at magluwal ng mga anak. Samakatuwid, hindi kasalanan para sa sakdal na mag-asawa ang magtalik. Gayunman, nang suwayin nina Adan at Eva ang Diyos sa pagkain ng ipinagbabawal na bunga at hindi sa seksuwal na pagtatalik, nagkaroon ng malalaking pagbabago. Dahil sa kanilang mga budhing nakadama ng pagkakasala, natanto nilang sila ay hubad, at agad nilang tinakpan ang kanilang mga ari mula sa paningin ng Diyos. (Gen 3:7, 10, 11) Mula noon, hindi na maisakatuparan ng tao ang utos na magpakarami taglay ang kasakdalan, kundi, sa halip, ang namamanang bahid ng kasalanan at ang parusang kamatayan ang naipasa ng mga magulang sa kanilang mga anak. Kahit ang pinakamatuwid na mga magulang na lubos na may-takot sa Diyos ay nagluluwal ng mga anak na nahawahan ng kasalanan.​—Aw 51:5.

      Ang mga kahilingan ng Kautusan may kinalaman sa layunin ng mga sangkap sa pag-aanak ay nagturo sa mga lalaki at mga babae ng disiplina sa sarili, pagsupil sa mga pagnanasa, at paggalang sa paraang inilaan ng Diyos para sa pagpaparami. Mariing ipinaalaala ng mga tuntunin ng Kautusan sa mga nilalang ang pagiging makasalanan nila; ang mga ito ay hindi lamang pangkalusugang mga pag-iingat upang matiyak ang kalinisan o mga pananggalang laban sa pagkalat ng mga sakit. Bilang isang tagapagpaalaala ng minanang pagkamakasalanan ng tao, angkop na kapuwa ang lalaki at ang babae na may mga agas ng ari dahil sa normal na paggana ng kanilang mga katawan ay mangilin ng isang yugto ng karumihan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share