-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Mga Bathala ng Gresya. Isinisiwalat ng pagsusuri sa mga diyos at mga diyosa ng sinaunang Gresya na ang relihiyon ng mga Griego ay may bakas ng impluwensiyang Babilonyo. Ganito ang obserbasyon ni Propesor George Rawlinson ng Oxford University: “Ang kapuna-punang pagkakatulad ng sistemang Caldeo sa Klasikal na Mitolohiya ay waring dapat pag-ukulan ng partikular na atensiyon. Ang pagkakatulad na ito ay napakalawak, at sa ilang aspekto ay napakalapit, upang ipalagay na nagkataon lamang ang mga ito. Sa mga kalipunan ng mga diyos ng Gresya at Roma, at ng Caldea, ay mapapansin ang magkakatulad na pangkalahatang pagkakapangkat-pangkat; madalas na makikita sa mga iyon ang magkakatulad na pagkakasunud-sunod sa talaangkanan; at sa ilang kaso, maging ang pamilyar na mga pangalan at mga titulo ng klasikal na mga diyos ay kapansin-pansing mailalarawan at maipaliliwanag batay sa mga Caldeong pinagmulan. Halos nakatitiyak tayo na, sa paanuman, nagkaroon ng pagtatalastasan hinggil sa mga paniniwala—pagtatawid ng mga ito noong sinaunang mga panahon, mula sa mga baybayin ng Gulpo ng Persia hanggang sa mga lupaing karatig ng Mediteraneo, tungkol sa mitolohikal na mga konsepto at mga ideya.”—The Seven Great Monarchies of the Ancient Eastern World, 1885, Tomo I, p. 71, 72.
-
-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Tiyakang iniuugnay ng gawaing panghuhula ang relihiyon ng mga Etruscano sa relihiyon ng mga Babilonyo. Halimbawa, ang mga wangis ng mga atay na luwad na ginagamit sa panghuhula na natagpuan sa Mesopotamia ay kahawig ng bronseng wangis ng atay na natagpuan sa Piacenza sa rehiyon ng Emilia-Romagna, Italya. Kaya nang tanggapin ng mga Romano ang mga bathalang Etruscano, sa diwa ay naimpluwensiyahan sila ng mga Babilonyo.
-