Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ezion-geber
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Lokasyon. Hindi matukoy nang may katiyakan kung saan ang lugar ng sinaunang Ezion-geber. Tinatanggap ng karamihan sa mga iskolar bilang pinakaposibleng lokasyon nito ang Tell el-Kheleifeh (ʽEzyon Gever), na mga 500 m (1,600 piye) mula sa Gulpo ng ʽAqaba at mahigit na 3 km (2 mi) sa HK ng makabagong lunsod ng ʽAqaba. Natuklasan sa mga paghuhukay roon na nagkaroon ng limang pangunahing yugto ng paninirahan sa lugar na iyon, at ipinapalagay na ang pinakamaaga ay noong panahon ni Solomon.

  • Ezion-geber
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Imbakang depo. Natagpuan ng mga naghukay sa Tell el-Kheleifeh ang mga labí ng isang malaking pintuang-daan ng lunsod at gayundin ang isang istraktura na tiyakang idineklara na naging sentro ng malaking industriya ng pagmimina at pagtunaw ng tanso. Iniugnay nila ang operasyon nito kay Haring Solomon. Kamakailan lamang, kinilala na mali ang pag-uugnay na ito, at bagaman maliwanag na nagtunaw ng tanso sa lugar na iyon, naniniwala sa ngayon ang mga arkeologo na ang gusali ay tiyak na isang imbakang depo. Sa lugar na iyon kung saan nagsasalubong ang mahahalagang ruta ng kalakalang pandagat at pangkatihan, kumbinyente ang gayong pinatibay na depo para pag-imbakan ng ginto, mahahalagang bato, at kahoy ng algum mula sa Opir hanggang sa ang mga ito’y madala ng mga naglalakbay na pulutong patungo sa kani-kanilang destinasyon. (1Ha 9:26; 10:11, 12) Para sa higit pang detalye tungkol sa lugar na ito, tingnan ang ARKEOLOHIYA (Palestina at Sirya).

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share