-
Ezion-geberKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Noong Panahon ng Paghahari ni Solomon. Muling binanggit ang Ezion-geber pagkaraan ng mahigit sa 400 taon, noong paghahari ni Solomon (1037-998 B.C.E.). Sa lokasyong ito sa gulpo, si Solomon ay nagpagawa at naglunsad ng isang pangkat ng mga barko na ang mga tripulante ay mga taga-Fenicia at mga Judeano. Ang taga-Feniciang si Haring Hiram ng Tiro, na aktibung-aktibo rin sa negosyong pagbabarko, ay nakipagtulungan kay Solomon sa proyektong ito. (1Ha 9:26-28; 10:11)
-
-
Ezion-geberKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Mapapansin na kapuwa sa kaso ni Solomon at ni Jehosapat, ang ilan sa mga barko ay nilayong pumaroon hindi lamang sa Opir kundi pati sa Tarsis. (2Cr 9:21; 20:36, 37) Yamang matibay ang ebidensiya na ang Tarsis ay nasa Espanya, may mga nag-aalinlangan kung ang mga barkong naglayag mula sa Ezion-geber ay nakapaglakbay nga patungong Tarsis noong sinaunang mga panahon. Hinggil dito, tingnan ang artikulong TARSIS Blg. 4, kung saan inihaharap ang posibilidad na nagkaroon ng isang kanal na nagdurugtong sa Nilo at Dagat na Pula. Maaaring dahil din sa kanal na iyon kung kaya nakapagpadala si Haring Hiram sa Ezion-geber at Elot (Elat) hindi lamang ng mga tao kundi pati ng “mga barko” upang magamit ni Solomon. (2Cr 8:17, 18) May mga nagmumungkahi rin na maaaring ang mga barkong ito’y ipinadala sa isang lugar sa baybayin ng Filistia, kinalas, hinakot at ibiniyahe sa katihan patungo sa Gulpo ng ʽAqaba, kung saan muling binuo ang mga ito. Sinasabi ng mga naniniwala sa pangmalas na ito na ang mga Krusado ay gumamit ng katulad na pamamaraan nang maglaon. Sa pamamagitan man ng isang kanal na nagdurugtong sa Nilo at Dagat na Pula o ng isang ruta sa katihan, malamang na ang mga tabla ng mga barko ay inilaan mula sa mga kagubatan sa ibang lugar, yamang ang rehiyon sa palibot ng Ezion-geber ay may mga taniman ng palma ngunit walang mga punungkahoy na angkop sa paggawa ng barko.
-