Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagpapabanal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagpapabanal ng mga Dako. Ang dakong tinatahanan ni Jehova o ang anumang dakong tinatahanan niya sa makasagisag na paraan ay isang dakong pinabanal o banal, isang santuwaryo. Ang tabernakulo sa ilang at ang mga templong itinayo ni Solomon at ni Zerubabel (at muling itinayo at pinalaki ni Herodes na Dakila) ay tinawag na miq·dashʹ o qoʹdhesh, mga dakong ‘ibinukod’ o ‘banal.’ Yamang nasa gitna ng isang makasalanang bayan ang mga dakong ito, sa pana-panahon, ang mga ito ay kinailangang dalisayin (sa makasagisag o makalarawang paraan) mula sa karungisan sa pamamagitan ng pagwiwisik ng dugo ng mga haing hayop.​—Lev 16:16.

  • Pagpapabanal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagpapabanal ng mga Bagay. Yamang ang tabernakulo at ang templo ay mga gusaling pinabanal, ang mga bagay sa loob ng mga ito ay dapat ding maging banal, pinabanal. Ang kaban ng tipan, ang altar ng insenso, ang mesa ng tinapay na pantanghal, ang kandelero, ang altar ng handog na sinusunog, ang hugasan, ang lahat ng mga kagamitan, ang insenso at ang langis na pamahid, maging ang mga kasuutan ng mga saserdote, ay mga bagay na pinabanal. Tanging mga taong pinabanal​—mga saserdote at mga Levita​—ang maaaring humawak at magdala ng mga iyon. (Exo 30:25, 32, 35; 40:10, 11; Lev 8:10, 11, 15, 30; Bil 4:1-33; 7:1) Ang mga saserdoteng naglilingkod sa tabernakulo ay nag-uukol ng “sagradong paglilingkod sa isang makasagisag na paglalarawan at isang anino ng makalangit na mga bagay; kung paanong si Moises, nang malapit na niyang gawin ang buong tolda, ay binigyan ng utos mula sa Diyos: Sapagkat sabi niya: ‘Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ng bagay ayon sa parisan ng mga iyon na ipinakita sa iyo sa bundok.’⁠”​—Heb 8:4, 5.

      Mga hain at pagkain. Ang mga hain at mga handog ay pinabanal dahil inihahandog ang mga ito sa pinabanal na altar ayon sa itinakdang paraan. (Mat 23:19) Ang bahaging tinatanggap ng mga saserdote ay banal at hindi maaaring kainin ng mga hindi kabilang sa sambahayan ng mga saserdote, at kahit ang mga saserdote ay hindi maaaring kumain ng gayong mga bagay samantalang sila’y “marumi.” (Lev 2:3; 7:6, 32-34; 22:1-13) Gayundin, ang tinapay na pantanghal ay banal, pinabanal.​—1Sa 21:4; Mar 2:26.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share