Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Akasya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • AKASYA

      [sa Heb., shit·tahʹ].

      Isang punungkahoy na hiyang sa ilang, kung saan pansamantalang tumigil ang mga Israelita. Napagkunan ito ng malalaking tabla (halos 4.5 m; 15 piye ang haba, ayon sa Exo 36:20, 21), na ginamit ng mga Israelita sa pagtatayo ng naililipat-lipat na tabernakulo. Yamang ang punungkahoy na ito ay halos wala na sa rekord ng Bibliya pagkatapos ng pagpasok sa Lupang Pangako, maaaring ipinahihiwatig din nito na isa itong punungkahoy na hindi karaniwang matatagpuan sa buong Palestina. Ang gayong paglalarawan ay mas katugma ng mga uri ng akasya na kilala bilang Acacia seyal at Acacia tortilis kaysa sa alinmang iba pang halaman sa lugar na iyon. Ang mga punong akasyang ito ay karaniwan pa rin sa Negeb at sa lugar ng Sinai at ang ilan ay matatagpuan sa kahabaan ng Libis ng Jordan sa T ng Dagat ng Galilea, ngunit hindi sa hilagang Palestina.

      [Larawan sa pahina 69]

      Ang punong akasya, na karaniwan sa Sinai, ay napagkunan ng kahoy para sa tabernakulo

  • Akasya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mayroon itong magaspang at maitim na talob na bumabalot sa mabigat na kahoy nito na napakatigas at may pinong hilatsa anupat hindi nasisira ng mga insekto. Dahil sa mga katangiang ito at dahil madaling makakuha nito sa disyerto, ang akasya ay naging napakaangkop na materyales para sa tabernakulo at sa mga kagamitan nito. Ginamit ito sa paggawa ng kaban ng tipan (Exo 25:10; 37:1), mesa ng tinapay na pantanghal (Exo 25:23; 37:10), mga altar (Exo 27:1; 37:25; 38:1), mga pingga na pambuhat sa mga bagay na ito (Exo 25:13, 28; 27:6; 30:5; 37:4, 15, 28; 38:6), mga haligi para sa kurtina at pantabing (Exo 26:32, 37; 36:36), at ng mga hamba (Exo 26:15; 36:20) at mga barakilan na dugtungan ng mga iyon (Exo 26:26; 36:31).

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share