Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ginto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ginamit sa Tabernakulo at sa Templo. Dahil madaling hubugin ang ginto, napupukpok ito upang makagawa ng iba’t ibang hugis. Noong itinatayo ang tabernakulo, ang ginto ay pinitpit hanggang maging mga laminang pangkalupkop at maninipis na pirasong pinutol upang maging mga hibla na inihabi naman sa ilang kasuutan ng mataas na saserdote. (Exo 25:31; 30:1-3; 37:1, 2; 39:2, 3) Ginamit din ito sa katulad na paraan sa templong itinayo ni Solomon. (1Ha 6:21-35; 2Cr 3:5-9) Kapag ang ginto ay hinaluan ng ibang metal upang mas tumigas ito, mas marami itong mapaggamitan. Ginagawa rin sa sinaunang Israel ang prosesong ito.​—1Ha 10:16; tingnan ang ELEKTRUM.

      Napakaraming ginto ang ginamit sa tabernakulo, anupat ang halaga ng gintong iyon sa kasalukuyan ay tinatayang mga $11,269,000. (Exo 25:10-40; 38:24) Gayunman, kung paghahambingin ang dami ng gintong ginamit, ang tabernakulo sa ilang ay maliit na bersiyon lamang ng maluwalhating templo ni Solomon. Naghanda si David ng di-kukulangin sa 100,000 talento na ginto para sa templong iyon, na tinatayang nagkakahalaga sa ngayon ng mahigit $38,535,000,000. (1Cr 22:14) Ang mga kandelero at ang mga kagamitan sa templo​—mga tinidor, mga mangkok, mga pitsel, mga hugasan, mga kopa, at iba pa​—ay yari sa ginto at pilak; ang ilang kagamitan ay yari sa tanso; ang mga kerubin sa Kabanal-banalan, ang altar ng insenso, at maging ang buong loob ng bahay ay kinalupkupan ng ginto.​—1Ha 6:20-22; 7:48-50; 1Cr 28:14-18; 2Cr 3:1-13.

  • Ginto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang mga silid ng tabernakulong itinayo ni Moises ay ginamitan ng ginto​—ang Dakong Banal, kung saan pumapasok ang mga saserdote at nagsasagawa ng kanilang mga tungkulin, at ang Kabanal-banalan, kung saan ang mataas na saserdote lamang ang nakapapasok. Yamang ang Kabanal-banalan kasama ang ginintuang kaban ng tipan ay kumakatawan sa langit, ang tahanang dako ng Diyos, at yamang mga saserdote lamang ang nakapapasok sa Dakong Banal, at hindi ang pangkaraniwang mga Israelita, makatuwirang sabihin na ang mga ito ay kumakatawan sa mga bagay na may kinalaman sa langit ng Diyos at sa kaniyang “maharlikang pagkasaserdote,” samakatuwid nga, yaong mga may makalangit na pagtawag, at sa kanilang gawain at mga tungkulin para sa Diyos. (1Pe 2:9; Heb 9:1-5, 9, 11, 12, 23-25; 3:1) Sa gayon, sa makasagisag na paraan ay ipinakikitang naiiba ang pagkasaserdoteng ito sa mga tao sa lupa na pinaglilingkuran nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share