-
ShiloKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
2. Isang lunsod na nasa teritoryo ng Efraim at nasa “hilaga ng Bethel, sa dakong silangan ng lansangang-bayan na paahon mula Bethel tungo sa Sikem at sa dakong timog ng Lebona.” (Huk 21:19) Ang lokasyon ng Shilo na tinatanggap ng karamihan ay ang Khirbet Seilun (Shillo), mga 15 km (9.5 mi) sa HHS ng Bethel. Ang lugar na ito ay tumutugma sa paglalarawan ng Bibliya. Ito ay nasa isang burol at, maliban sa isang libis sa dakong TK, napalilibutan ito ng mas matataas na burol.
Pagkatapos maitayo ang tabernakulo sa Shilo (Jos 18:1), ang paghahati-hati ng lupain sa mga Israelita ay tinapos mula roon. (Jos 18:1–21:42)
-