Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Arkitektura
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Salig sa arkeolohikal na pagsusuri, lumilitaw na karaniwan nang napakasimple ang pagkakagawa sa mga bahay ng mga Israelita, anupat naniniwala ang ilang mananaliksik na ang mga ito ay masyadong sinauna. Gayunman, kaunting-kaunti lamang ang katibayan na sumusuporta sa gayong opinyon. Kaya ang The Interpreter’s Dictionary of the Bible (Tomo 1, p. 209) ay nagsabi: “Ang makabagong-panahong kaalaman hinggil sa bagay na ito ay limitado, kapuwa dahil hindi nagbigay-pansin ang sinaunang mga manunulat sa mga bagay na may kaugnayan sa arkitektura at dahil wala nang gaanong natira sa mismong mga gusali, yamang ang karamihan sa mga ito ay lubusang sinalanta ng panahon at ng sumunod na mga salinlahi ng mga tagapagtayo.” (Inedit ni G. A. Buttrick, 1962) Dahil dito, bihirang makasumpong ng mahigit sa isa o dalawang patong ng mga bato sa ibabaw ng pundasyon ng alinmang gumuhong gusali sa Palestina. Makatuwiran ding isipin na ang mas magagandang tahanan ang sisirain nang husto ng mga nangwawasak at, pagkatapos nito, niyaon namang mga naghahanap ng mga materyales para sa pagtatayo.

      Sinaunang mga Materyales at mga Pamamaraan sa Pagtatayo. Pangkaraniwan nang ginagamit ang mga batong pundasyon mula pa noong sinaunang panahon. Bagaman maaaring magagaspang na bato ang ginagamit noon, ang mga ito ay pinagpapantay at pinagdurugtong ng mga batong-panulok, na maingat na pinakinis at inilapat. (Ihambing ang Aw 118:22; Isa 28:16.) Sa Levitico 14:40-48, binabanggit na may argamasang luwad o palitada sa loob ng mga bahay na bato ng mga Israelita. Noon, kung hindi man yari sa bato ang iba pang mga bahagi ng bahay, kalimita’y mga laryong pinatuyo sa araw o niluto sa hurnuhan ang ginagamit sa ibabaw ng pundasyon. (Ihambing ang Isa 9:10.) Kung minsan, nagsisingit ng mga kahoy sa pagitan ng mga laryo. Ang mga materyales na ginagamit noon ay pangunahin nang nakadepende sa kung ano ang makukuha sa kapaligiran. Dahil walang kahoy at bato sa timugang Mesopotamia, ang karamihan sa mga istrakturang itinayo roon ay yari sa laryong putik, samantalang sa Palestina naman ay karaniwan nang sagana ang batong-apog at iba pang mga bato. Ang isang matipid na paraan ng paggawa ng pader noon ay ang tinatawag na wattle and daub. Sa prosesong ito, nagbabaon ng mga tulos sa lupa at pagkatapos ay inihahabi nang pahalang sa mga ito ang mga tangkay ng tambo o ang makukunat na sanga upang makagawa ng isang kayariang sala-sala na tinatapalan naman ng luwad. Kapag tuyung-tuyo na ang luwad at tumigas na ito sa init ng araw, sa pana-panahon ay pinapalitadahan ang pader upang hindi ito masira ng mga elemento.​—Tingnan ang PADER, DINGDING.

      Ang bubong ng isang gusali ay karaniwan nang ginagawa sa pamamagitan ng pagpapatong ng mahahabang bato o kahoy sa ibabaw ng sumusuhay na mga pader. Maaaring magdagdag ng mga poste o mga haligi upang mapalapad ang bubong, ang karaniwang pamamaraan na tinatawag na “post and lintel.”

  • Arkitektura
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang mga bubong ng mas maliliit na gusali at mga tahanan ay kalimitang yari sa mga sanga o mga tangkay ng tambo na pinagtali-tali at inilatag nang pahalang sa mga biga at pagkatapos ay siniksik, binalutan ng putik o luwad, at pinakinis. Bahagyang nakahilig ang bubong ng mga ito upang makaagos ang tubig-ulan mula rito. Makakakita pa rin sa ngayon ng gayong mga bubong sa mga tahanan sa Libis ng Jordan.

      Ang pinakasimpleng uri ng gusali sa Palestina noon ay parihaba; kung ito’y isang tahanan, kadalasan nang mayroon itong maliliit at parihabang mga silid na nakaayos sa iba’t ibang paraan. Ang laki at hugis ng mga gusali ay ibinabatay sa limitadong espasyo sa loob ng mga lunsod, na kadalasa’y masisikip. Kung may sapat na espasyo, maaaring magkaroon ang bahay ng isang pinakaloob na looban anupat dito nakaharap ang mga pinto ng lahat ng silid at may isa lamang pasukang-daan mula sa lansangan. Ang gayong simple at parihabang istilo ay ginamit hindi lamang para sa karaniwang bahay kundi para rin sa bahay ng hari (palasyo), kamalig, bahay-pulungan (sinagoga), bahay ng Diyos (templo), at bahay ng mga patay (libingan).

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share