-
KatinuanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang isa-isahin ng apostol na si Pablo ang mga kuwalipikasyon para sa mga inaatasan bilang mga tagapangasiwa sa mga kongregasyong Kristiyano, sinabi niyang ang isang tagapangasiwa ay dapat na “katamtaman ang mga pag-uugali” (sa Gr., ne·phaʹli·os). Kasama rito ang hindi pagpapakalabis sa alak, yamang sinasabi rin na siya ay hindi dapat na isang “lasenggong basag-ulero.” Ipinakikita ng salitang ne·phaʹli·os na ang lalaking iyon ay may katinuan at nagpapakita ng pagiging katamtaman sa iba pang mga bagay, gaya ng pananalita at paggawi, bukod pa sa nakagawian na niyang maging katamtaman sa pag-inom ng alak.—1Ti 3:2, 3.
-
-
KatinuanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nagbabala rin si Pablo kay Timoteo hinggil sa dumarating na apostasya, at sa panganib na idudulot nito sa pagkakaisa ng mga Kristiyanong nagnanais na manatiling tapat. Si Timoteo lalung-lalo na, bilang tagapangasiwa, ay kinailangang magbantay upang ‘mapanatili ang kaniyang katinuan [maging matino ang pag-iisip] sa lahat ng mga bagay,’ upang ‘magtiis ng kasamaan, gawin ang gawain ng isang ebanghelisador, lubusang ganapin ang kaniyang ministeryo.’ (2Ti 4:3-5) Sa pagpapanatili niya ng kaniyang katinuan, matatanto ni Timoteo na hindi na magtatagal at mawawala na si Pablo (2Ti 4:6-8), at na sa bandang huli, si Timoteo mismo ay mawawala na rin, kaya naman ang mga bagay na kaniyang natutuhan ay dapat niyang ipagkatiwala sa mga taong tapat, na magiging lubusang kuwalipikado na magturo naman sa iba. (2Ti 2:2) Sa gayon, ang kongregasyon ay mapatitibay bilang isang pananggalang laban sa dumarating na apostasya, anupat nagiging “isang haligi at suhay ng katotohanan.”—1Ti 3:15.
-