Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kalendaryo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang mga Kalendaryong Julian at Gregorian. Noong taóng 46 B.C.E., nagpalabas si Julio Cesar ng isang batas para baguhin ang kalendaryong Romano mula sa taóng lunar tungo sa taóng solar. Ang kalendaryong Julian na ito, na ibinatay sa mga kalkulasyon ng Griegong astronomo na si Sosigenes, ay may 12 buwan na iba’t iba ang haba at isang regular na taon na may 365 araw na nagsisimula tuwing Enero 1. Pinasimulan ding gamitin dito ang mga leap year sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang araw sa bawat apat na taon, upang mapunan ang sobrang 1/4 na araw ng isang taóng tropikal, na may haba na wala pang 365 1/4 na araw.

      Sa katunayan, ang kalendaryong Julian ay mas mahaba nang mga 11 minuto at 14 na segundo kaysa sa tunay na taóng solar. Dahil dito, pagsapit ng ika-16 na siglo, sampung araw na ang ipinagkaiba nito sa taóng solar. Noong 1582 C.E., nagharap si Pope Gregory XIII ng kaunting rebisyon sa kalendaryong Julian, anupat pinanatili ang mga leap year tuwing apat na taon ngunit may eksepsiyon na yaon lamang mga century year na ang bilang ay maaaring hatiin sa 400 ang gagawing mga leap year. Sa utos ng papa noong 1582, sampung araw ang kinaltas sa taóng iyon, anupat ang araw pagkaraan ng Oktubre 4 ay naging Oktubre 15. Sa ngayon, kalendaryong Gregorian ang karaniwang ginagamit sa kalakhang bahagi ng daigdig. Dito ibinatay ang mga petsa ng kasaysayan na ginamit sa publikasyong ito.

  • Kalendaryo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang isang taon na may 12 buwang lunar ay mas maikli nang mga 11 araw kaysa sa isang taóng solar na may 365 1/4 na araw. Yamang sa taóng solar ibinabatay ang pagpapalit ng mga kapanahunan [season], kinailangang ayusin ang kalendaryo upang maiayon sa taóng solar na ito, at ang resulta ay ang tinatawag na mga taóng lunisolar, o bound solar​—samakatuwid nga, mga taóng solar na ang mga buwan ay lunar. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang araw sa bawat taon o sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang buwan sa ilang espesipikong taon upang mapunan ang kakulangan ng 12 buwang lunar.

      Kalendaryong Hebreo. Ang mga Israelita ay gumamit ng kalendaryong lunisolar, o bound solar. Makikita ito sa bagay na pinasimulan ng Diyos na Jehova ang kanilang sagradong taon sa buwan ng Abib sa tagsibol at iniutos niyang ipagdiwang sa espesipikong mga petsa ang ilang kapistahan na nauugnay sa mga kapanahunan ng pag-aani. Upang ang mga petsang ito ay tumapat sa partikular na mga pag-aani, kinailangan ang isang kalendaryo na tutugma sa mga kapanahunan, anupat pinupunan ang pagkakaiba ng bilang ng mga araw ng taóng lunar at ng taóng solar.​—Exo 12:1-14; 23:15, 16; Lev 23:4-16.

      Mga Buwan sa Kalendaryo ng Bibliya

      Ang saklaw ng mga buwang Judio ay mula sa bagong buwan [new moon] hanggang sa sumunod na bagong buwan [new moon]. (Isa 66:23) Ang salitang Hebreo, choʹdhesh, na isinaling “buwan” (month; Gen 7:11), ay nagmula sa salitang-ugat na nangangahulugang “bago,” samantalang ang isa pang salita para sa buwan, yeʹrach, ay nangangahulugang “lunasyon.”

      MGA BUWAN Sagrado

      MGA BUWAN Sekular

      LAGAY NG PANAHON

      MGA PANANIM

      Ika-1

      Ika-7

      Umaapaw ang Jordan dahil sa ulan at natutunaw na niyebe

      Pag-aani ng lino. Sinisimulan ang pag-aani ng sebada

      Ika-2

      Ika-8

      Nagsisimula ang panahon ng tag-init. Sa kalakhan, maaliwalas ang kalangitan

      Pag-aani ng sebada. Pag-aani ng trigo sa mabababang lugar

      Ika-3

      Ika-9

      Init ng tag-araw. Preskong hangin

      Pag-aani ng trigo. Mga unang igos. Mga mansanas

      Ika-4

      Ika-10

      Tumitindi ang init. Makakapal na hamog sa ilang lugar

      Mga unang ubas. Natutuyo ang mga pananim at mga bukal

      Ika-5

      Ika-11

      Umaabot sa sukdulan ang init

      Sinisimulan ang pag-aani ng ubas

      Ika-6

      Ika-12

      Nagpapatuloy ang init

      Pag-aani ng mga datiles at mga igos na pantag-araw

      Ika-7

      Ika-1

      Papatapos na ang tag-araw. Nagsisimula ang maagang pag-ulan

      Papatapos ang pag-aani. Sinisimulan ang pag-aararo

      Ika-8

      Ika-2

      Banayad na pag-ulan

      Inihahasik ang trigo at sebada. Pag-aani ng olibo

      Ika-9

      Ika-3

      Dumadalas ang pag-ulan. Nagyeyelo ang hamog. Umuulan ng niyebe sa mga bundok

      Tumutubo ang mga damo

      Ika-10

      Ika-4

      Pinakamatinding lamig. Maulan. Umuulan ng niyebe sa mga bundok

      Nagiging luntian ang mabababang lupain. Mga butil, mga bulaklak umuusbong

      Ika-11

      Ika-5

      Humuhupa ang lamig ng panahon. Patuloy ang pag-ulan

      Mga punong almendras namumulaklak. Mga punong igos nagkakasupang

      Ika-12

      Ika-6

      Madalas na pagkulog at pag-ulan ng graniso

      Mga punong algarroba namumulaklak. Pag-aani ng mga bungang sitrus

      Ika-13

       

      Ang buwang intercalary ay karaniwan nang idinaragdag nang pitong ulit sa loob ng 19 na taon bilang ikalawang Adar (Veadar)

      [Dayagram sa pahina 1359]

      TSART: Mga Buwan sa Kalendaryo ng Bibliya

      Hindi tinutukoy ng Bibliya kung anong pamamaraan ang orihinal na ginamit upang tiyakin kung kailan magsisingit ng karagdagang mga araw o ng isang karagdagan, o intercalary, na buwan. Gayunman, makatuwirang isipin na nagsilbing giya ang alinman sa vernal equinox o autumnal equinox upang matiyak kung nahuhulí ang mga kapanahunan anupat kailangan nang ayusin ang kalendaryo. Upang maisagawa ito, nagdagdag ang mga Israelita ng isang ika-13 buwan, na bagaman hindi espesipikong binanggit sa Bibliya ay tinawag, noong mga panahon pagkaraan ng pagkatapon, na Veadar, o ang ikalawang Adar.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share