Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Abuloy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang mga Israelita ay nagkapribilehiyong mag-abuloy para sa pagtatayo at paghahanda ng mga istraktura para sa tunay na pagsamba. Nag-abuloy sila ng mga materyales para sa tabernakulo at sa mga kagamitan nito (Exo 25:1-9; 35:4-9), isang “kusang-loob na handog kay Jehova” na kinailangang pahintuin sapagkat ang mga bagay na ibinigay ay “sapat na para sa lahat ng gawaing isasagawa, at labis-labis pa.” (Exo 35:20-29; 36:3-7) Kasama sa mga abuloy ni Haring David para sa pagtatayo ng templo ang kaniyang “pantanging pag-aari” na ginto at pilak, na nagkakahalaga ng mahigit sa $1,202,000,000. Ang mga prinsipe at ang mga pinuno naman ng bayan ay masayang nag-abuloy ng mahigit sa $1,993,000,000 na halaga ng ginto at pilak, bukod pa sa tanso, bakal, at mga bato.​—1Cr 29:1-9.

  • Abuloy
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Noong mga araw ni Haring Jehoas, isang kahon ang inilagay sa may pintuang-daan ng bahay ni Jehova upang paglagakan ng mga abuloy para sa malawakang gawaing pagkukumpuni sa templo. Pagkatapos nito, ang mga prinsipe at ang bayan ay nagsaya na dalhin doon ang “sagradong buwis,” na ginamit nila sa pagpapatibay sa bahay ng Diyos at sa paggawa sa mga kagamitan ng templo.​—2Cr 24:4-14.

      Mayroon ding mga di-Israelita na nag-abuloy sa tunay na pagsamba. Nang lisanin ni Ezra at ng mga Judiong nalabi ang Babilonya upang magtungo sa Jerusalem noong 468 B.C.E., dala nila ang mga pilak, ginto, at mga kagamitan na iniabuloy ni Haring Artajerjes ng Persia, ng kaniyang mga tagapayo, ng kaniyang mga prinsipe, at ng mga Israelitang nasa Babilonya para sa bahay ng Diyos. Noong panahon ng paglalakbay, ang mahahalagang bagay na ito ay ipinagkatiwala sa pag-iingat ng piniling mga lalaki.​—Ezr 7:12-20; 8:24-30.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share