-
Pintuang-daanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Magandang Pintuang-daan. Isang pintuan ng templo na muling itinayo ni Herodes na Dakila, dito pinagaling ni Pedro ang isang lalaking pilay mula pa sa bahay-bata ng kaniyang ina. (Gaw 3:1-10) Iniuugnay ng isang tradisyon ang pintuang-daang ito sa umiiral na Ginintuang Pintuang-daan sa pader ng lunsod, ngunit maaaring ang Magandang Pintuang-daan ay isang pinakaloob na pintuang-daan ng lugar ng templo, posibleng katumbas ng sinaunang “Silangang Pintuang-daan.” Sinasabi ng ilan na maaaring ito ay isa sa mga pintuang-daan sa S ng gusali mismo ng templo, anupat patungo sa Looban ng mga Babae, isang pintuang-daan na inilarawan ni Josephus bilang 50 siko (22 m; 73 piye) ang taas at may mga pinto na yari sa tanso ng Corinto.
-
-
Pintuang-daanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang tinutukoy ang templo na muling itinayo ni Haring Herodes na Dakila, ang Judiong Mishnah (Middot 1:3) ay bumabanggit lamang ng limang pintuang-daan patungo sa Temple Mount, samakatuwid nga, sa pader na nakapalibot sa buong liwasan ng lugar ng templo. Ang mga ito ay: ang dalawang Pintuang-daan ng Hulda sa T, ang Pintuang-daan ng Kiponus sa K, ang Pintuang-daan ng Tadi (Todi) sa H, at ang Silanganing Pintuang-daan, na dito ay nakalarawan ang Palasyo ng Susan. Sa kabilang dako, si Josephus ay bumabanggit ng apat na pintuang-daan sa K. (Jewish Antiquities, XV, 410 [xi, 5]) Sa ngayon, ang apat na pintuang-daang ito ay natukoy na ng arkeolohikal na pagsusuri. Mula sa T hanggang sa H, ang mga ito ay: ang pintuang-daan na patungo sa ibabaw ng Robinson’s Arch hanggang sa mga hagdan na pababa sa Libis ng Tyropoeon; ang Barclay Gate na kapantay ng lansangan; ang pintuang-daan na patungo sa ibabaw ng Wilson’s Arch, sumusuhay sa isang tulay sa ibabaw ng Libis ng Tyropoeon; at ang Warren Gate, kapantay rin ng lansangan. Maiuugnay ang Pintuang-daan ng Kiponus alinman sa Barclay Gate o sa pintuang-daan sa ibabaw ng Wilson’s Arch.
Isinasaad pa ng Mishnah na may pitong pintuang-daan noon patungo sa looban na nakapalibot sa templo.—Middot 1:4; tingnan ang TEMPLO.
-