-
RaquelKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Bago umalis, ninakaw ni Raquel ang “terapim” ng kaniyang ama, maliwanag na isang uri ng mga imaheng idolo. Nang maabutan ni Laban ang pangkat at ihayag ang pagnanakaw (maliwanag na ang pangunahin niyang ikinababahala), ipinakita ni Jacob, na walang alam sa pagkakasala ni Raquel, na hindi siya sang-ayon sa gayong pagkilos at itinalaga sa kamatayan ang nagkasala kung ang isang iyon ay masusumpungan sa kaniyang pangkat. Umabot ang paghahanap ni Laban sa tolda ni Raquel, ngunit hindi niya ito nakita, sapagkat si Raquel ay nanatiling nakaupo sa pansiyang basket na kinaroroonan ng terapim at sinabing may dinaramdam siya dahil sa kaniyang pagreregla.—Gen 30:25-30; 31:4-35, 38.
-
-
RaquelKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Isang di-kumpletong larawan ng personalidad ni Raquel ang ibinibigay ng iilang detalye na iniulat. Siya ay mananamba ni Jehova (Gen 30:22-24), ngunit mayroon din siyang mga pagkakamali, bagaman ang pagnanakaw niya ng terapim at ang katusuhan niya upang hindi siya mahuli ay masasabing dahil sa pamilya na kaniyang pinagmulan.
-
-
RaquelKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ipinahihiwatig ng mga tuklas sa arkeolohiya kung bakit kinuha ni Raquel ang “terapim” ng kaniyang ama. (Gen 31:19) Isinisiwalat ng mga tapyas na cuneiform na natagpuan sa Nuzi sa H Mesopotamia, na ipinapalagay na mula pa noong kalagitnaan ng ikalawang milenyo B.C.E., na itinuring ng ilang sinaunang mga tao na ang pagmamay-ari ng mga diyos ng sambahayan ay nagsisilbing legal na titulo sa pagmamana ng ari-arian ng pamilya. (Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 219, 220) Iminumungkahi ng ilan na maaaring inisip ni Raquel na may karapatan si Jacob na manahin ang isang bahagi ng ari-arian ni Laban bilang anak na inampon at maaaring kinuha niya ang terapim upang tiyaking matatamo ito ni Jacob o upang malamangan pa nga ang mga anak na lalaki ni Laban. O maaaring inisip niya na ang pagmamay-ari nito ay isang paraan upang mahadlangan ang anumang legal na pagtatangka ng kaniyang ama na angkinin ang ilang bahagi ng kayamanang natamo ni Jacob samantalang naglilingkod kay Laban. (Ihambing ang Gen 30:43; 31:1, 2, 14-16.) Siyempre pa, ang mga posibilidad na ito ay nakadepende sa kung mayroon ngang gayong kaugalian sa bayan ni Laban at kung ang terapim ay talagang mga diyos ng sambahayan.
-