-
PagtutuliKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang pagtutuli ay mahigpit na iniutos ng Diyos na Jehova kay Abraham noong 1919 B.C.E., isang taon bago ipinanganak si Isaac. Sinabi ng Diyos: “Ito ang aking tipan na iingatan ninyo . . . Ang bawat lalaki sa inyo ay dapat magpatuli.” Kabilang dito ang bawat lalaki sa sambahayan ni Abraham na binubuo kapuwa ng kaniyang mga inapo at niyaong mga nasa poder niya, kaya naman ikinapit ni Abraham, ng kaniyang 13-taóng-gulang na anak na si Ismael, at ng lahat ng kaniyang mga alipin ang “tanda ng tipan” na ito sa kanilang sarili. Kailangan ding tuliin ang mga alipin na kukunin nila sa hinaharap. Mula noon, ang sinumang lalaki sa sambahayan, alipin man o malaya, ay dapat tuliin sa ikawalong araw pagkapanganak sa kaniya. Ang pagwawalang-bahala sa kahilingang ito ng Diyos ay pinarurusahan ng kamatayan.—Gen 17:1, 9-14, 23-27.
-
-
PagtutuliKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sinisipi naman ng iba si Herodotus bilang awtoridad sa pag-aangkin nila na hiniram lamang ni Abraham ang kaugaliang ito mula sa mga Ehipsiyo. Bilang sagot sa kababanggit na mga pag-aangkin, sinabi ni W. M. Thomson: “May kinalaman sa patotoo ni Herodotus, na dumating sa Ehipto pagkaraan pa ng labinlimang siglo, at, taglay ang malawak na kaalaman at pananaliksik, ay kadalasang sumusulat ng pawang walang kabuluhan, tahasan akong tumatanggi na ihanay ito sa kategorya ng patotoo ni Moises. Ang dakilang tagapagtatag ng Judiong komonwelt—ang pinakadakilang tagapagbigay-kautusan na napaulat—ipinanganak at pinalaki sa Ehipto, ang siyang nagsasabi ng mga katotohanan may kaugnayan sa pasimula ng pagtutuli sa gitna ng kaniyang bayan. Isang hamak na manlalakbay at istoryador—isang banyaga at Griego—ang dumating pagkaraan pa ng napakahabang panahon, at nagpahayag ng mga pananalita na bahagyang totoo at bahagyang mali, gaya ng ipinakikita ni Josephus sa sagot niya kay Apion; at pagkatapos, mahigit na dalawampung siglo pagkamatay ni Herodotus, ibinangon ng mapag-alinlangang mga awtor ang kaniyang may-kamaliang mga pananalita, at, matapos pilipitin at palawakin ang mga ito, tinangka nilang patunayan na ang pagtutuli ay hindi tinanggap ni Abraham mula sa Diyos (gaya ng malinaw na sinasabi ni Moises), kundi mula sa mga Ehipsiyo! Hindi matagumpay na maibubuwal ng ganitong mga sandata ang pagiging totoo ng sinabi ni Moises.”—The Land and the Book, nirebisa ni J. Grande, 1910, p. 593.
-
-
PagtutuliKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
May-katapatang tinupad ng mga inapo ni Abraham sa pamamagitan ni Isaac at ni Jacob ang tipan ng pagtutuli. “Tinuli ni Abraham si Isaac na kaniyang anak nang walong araw na ang gulang, gaya ng iniutos ng Diyos sa kaniya.” (Gen 21:4; Gaw 7:8; Ro 4:9-12) Ang mga apo sa tuhod ni Abraham ay nagsabi kay Sikem at sa mga kababayan niya: “Hindi namin magagawa . . . na ibigay ang aming kapatid [na si Dina] sa isang lalaki na may dulong-balat . . . Tanging sa kundisyong ito lamang kami papayag sa inyo, na kayo ay maging tulad namin, sa pamamagitan ng pagpapatuli ng bawat lalaki sa inyo.” (Gen 34:13-24) Lumilitaw na dahil nakaligtaan ni Moises na tuliin ang kaniyang anak, napoot sa kaniya ang Diyos hanggang ang kaniyang asawa na si Zipora ang gumawa nito para sa kaniya.—Exo 4:24-26; tingnan ang ZIPORA.
-