Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dugo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko. Sa tipang Kautusan na ginawa ni Jehova sa bansang Israel, inilakip niya ang kautusang ibinigay kay Noe. Niliwanag niya na magkakaroon ng “pagkakasala sa dugo” ang sinumang magwawalang-bahala sa pamamaraang itinakda ng kautusan ng Diyos maging sa pagpatay ng isang hayop. (Lev 17:3, 4) Dapat ibuhos sa lupa ang dugo ng isang hayop na gagamitin bilang pagkain at dapat itong takpan ng alabok. (Lev 17:13, 14) Ang sinumang kumain ng dugo ng anumang uri ng laman ay ‘lilipulin mula sa kaniyang bayan.’ Ang sinasadyang paglabag sa kautusang ito may kinalaman sa pagiging sagrado ng dugo ay mangangahulugan ng ‘pagkalipol.’​—Lev 17:10; 7:26, 27; Bil 15:30, 31.

      Sa pagkokomento sa Levitico 17:11, 12, ang Cyclopædia nina M’Clintock at Strong (1882, Tomo I, p. 834) ay nagsasabi: “Ang mahigpit na utos na ito ay hindi lamang kumakapit sa mga Israelita, kundi maging sa mga taga-ibang bayan na naninirahan sa gitna nila. Ang kaparusahang itinakda sa paglabag dito ay ang ‘pagkalipol mula sa bayan,’ na waring tumutukoy sa parusang kamatayan (ihambing ang Heb. x, 28), bagaman mahirap matiyak kung inilapat ito sa pamamagitan ng tabak o sa pamamagitan ng pagbato.”

      Sa Deuteronomio 14:21, ipinahihintulot na ipagbili sa naninirahang dayuhan o sa banyaga ang isang hayop na basta na lamang namatay o nilapa ng mabangis na hayop. Sa gayon ay ipinakikita na may pagkakaiba ang dugo ng gayong mga hayop at ang dugo ng mga hayop na pinatay ng tao upang kainin. (Ihambing ang Lev 17:14-16.) Ang mga Israelita, gayundin ang mga naninirahang dayuhan na umanib sa tunay na pagsamba at napasailalim sa tipang Kautusan, ay obligadong mamuhay ayon sa matataas na kahilingan ng Kautusang iyon. Ang mga tao ng lahat ng mga bansa ay obligadong sumunod sa kahilingan sa Genesis 9:3, 4, ngunit yaong mga nasa ilalim ng Kautusan ay ipinasakop ng Diyos sa isang mas mataas na pamantayan ng pagsunod sa kahilingang iyon, anupat mas mataas kaysa sa pamantayan para sa mga banyaga at mga naninirahang dayuhan na hindi naging mananamba ni Jehova.

  • Dugo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Maging ang taong napopoot sa kaniyang kapatid, anupat naghahangad na mamatay na ito, o naninirang-puri rito o nagpapatotoo nang may kabulaanan laban dito, at sa gayon ay isinasapanganib ang buhay nito, ay nagkakasala may kaugnayan sa dugo ng kaniyang kapuwa.​—Lev 19:16; Deu 19:18-21; 1Ju 3:15.

      Dahil sa pangmalas ng Diyos sa kahalagahan ng buhay, ang lupa ay sinasabing nadurungisan dahil sa dugo ng isang taong pinaslang, at malilinis lamang ang karungisang iyon kung ibububo ang dugo ng mamamaslang. Salig dito, ipinahihintulot ng Bibliya ang parusang kamatayan para sa pagpaslang, ngunit sa pamamagitan ng itinalagang awtoridad. (Bil 35:33; Gen 9:5, 6) Sa sinaunang Israel, hindi maaaring tumanggap ng pantubos para iligtas ang isang mamamaslang mula sa parusang kamatayan.​—Bil 35:19-21, 31.

      Maging sa mga kaso kung saan hindi matukoy mula sa pagsisiyasat kung sino ang pumatay, ang lunsod na pinakamalapit sa kinaroroonan ng bangkay ang ituturing na may pagkakasala sa dugo. Upang maalis ang pagkakasala sa dugo ng lunsod na iyon, kailangang isagawa ng may-pananagutang matatanda ng lunsod ang mga pagkilos na hinihiling ng Diyos, kailangan nilang itanggi na may pagkakasala sila o na may kabatiran sila tungkol sa pagpaslang, at kailangang manalangin sila sa Diyos na kaawaan niya sila. (Deu 21:1-9) Kung ang isang nakapatay nang di-sinasadya ay hindi nababahala na may napatay siya at hindi niya sinunod ang kaayusan ng Diyos upang maipagsanggalang siya sa pamamagitan ng pagtakas tungo sa kanlungang lunsod at ng pananatili roon, ang pinakamalapit na kamag-anak ng taong pinatay ang magiging tagapaghiganti na may karapatan at pananagutang pumatay sa kaniya upang maalis sa lupain ang pagkakasala sa dugo.​—Bil 35:26, 27; tingnan ang TAGAPAGHIGANTI NG DUGO.

      Wastong Paggamit sa Dugo. Isa lamang ang paraan ng paggamit sa dugo na sinang-ayunan ng Diyos, at ito ay sa paghahain. Inutusan niya yaong mga nasa ilalim ng Kautusang Mosaiko na maghandog ng mga haing hayop upang magbayad-sala para sa kasalanan. (Lev 17:10, 11)

  • Dugo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang tipang Kautusan, na may makalarawang probisyon para sa pag-aalis ng kasalanan, ay binigyang-bisa sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop. (Exo 24:5-8) Ang iba’t ibang paghahain ng dugo, lalo na yaong mga inihahandog sa Araw ng Pagbabayad-Sala, ay para sa makasagisag na pagbabayad-sala para sa kasalanan, anupat lumalarawan ang mga ito sa tunay na pag-aalis ng kasalanan sa pamamagitan ng hain ni Kristo.​—Lev 16:11, 15-18.

      Ang legal na bisa ng dugo sa paningin ng Diyos, yamang tinatanggap niya ito para sa pagbabayad-sala, ay inilarawan ng pagbubuhos ng dugo sa paanan, o pundasyon, ng altar at ng paglalagay nito sa mga sungay ng altar. Ang saligan, o pundasyon, ng kaayusan sa pagbabayad-sala, ay nasa dugo, at ang bisa (na kinatawanan ng mga sungay) ng kaayusan sa paghahain ay nasa dugo.​—Lev 9:9; Heb 9:22; 1Co 1:18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share