Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kautusan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Kautusan ay nagbigay ng pagkakataon sa mga Israelita na maging ‘isang kaharian ng mga saserdote at isang banal na bansa.’ (Exo 19:5, 6) Ang paghiling ng Kautusan ng bukod-tanging debosyon kay Jehova, ang walang-pasubaling pagbabawal nito sa anumang anyo ng haluang pananampalataya, at ang mga tuntunin nito may kinalaman sa relihiyosong kalinisan at pagkain ay nagsilbing isang “pader” anupat naging hiwalay na hiwalay ang bansang ito mula sa ibang mga bansa. (Efe 2:14) Halos imposible para sa isang Judio ang pumasok sa tolda o bahay ng isang Gentil o kumaing kasama ng mga Gentil nang hindi nagiging marumi sa relihiyosong paraan. Sa katunayan, noong nasa lupa si Jesus, ipinapalagay na kahit ang pagpasok sa isang bahay o gusali ng mga Gentil ay nakapagpaparumi sa isang Judio. (Ju 18:28; Gaw 10:28) Ipinagsanggalang din ang kabanalan ng buhay at ang dignidad at karangalan ng pamilya, ng pag-aasawa, at ng indibiduwal. Ang iba pang mga epekto, na maituturing na naging kaakibat na rin ng kanilang pagiging hiwalay sa relihiyon dahil sa tipang Kautusan, ay ang mga kapakinabangan sa kalusugan at ang proteksiyon mula sa mga sakit na karaniwan sa mga bansang nakapalibot sa mga Israelita. Ang mga kautusan hinggil sa moral na kalinisan, pisikal na sanitasyon, at pagkain ay walang alinlangang nag-ingat sa kanilang kalusugan kapag sinusunod nila ang mga ito.

      Ngunit gaya ng sinabi ng apostol na si Pablo, ang tunay na layunin ng Kautusan ay “upang mahayag ang mga pagsalansang, hanggang sa dumating ang binhi.” Ito ay isang ‘tagapagturo na umaakay tungo kay Kristo.’ Itinuro nito si Kristo bilang ang tunguhing inaabot (“si Kristo ang wakas ng Kautusan”). Isiniwalat nito na ang lahat ng mga tao, pati mga Judio, ay nasa ilalim ng kasalanan at na hindi maaaring matamo ang buhay sa pamamagitan ng “mga gawa ng kautusan.” (Gal 3:19-24; Ro 3:20; 10:4) Ito ay “espirituwal,” mula sa Diyos, at “banal.” (Ro 7:12, 14) Sa Efeso 2:15, tinatawag itong “ang Kautusan ng mga utos na binubuo ng mga tuntunin.” Isa itong pamantayan ng kasakdalan, anupat ang nakatutupad nito ay minamarkahan bilang sakdal at karapat-dapat sa buhay. (Lev 18:5; Gal 3:12) Yamang hindi kayang tuparin ng mga taong di-sakdal ang Kautusan, ipinakita nito na “ang lahat ay nagkasala at nagkukulang sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Ro 3:23) Tanging si Jesu-Kristo ang nakatupad nito nang walang kapintasan.​—Ju 8:46; Heb 7:26.

      Ang Kautusan ay nagsilbi ring “anino ng mabubuting bagay na darating,” at ang mga bagay na nauugnay rito ay naging “makasagisag na mga paglalarawan,” kaya naman madalas itong banggitin ni Jesus at ng mga apostol upang ipaliwanag ang makalangit na mga bagay at ang mga paksang may kinalaman sa doktrina at paggawing Kristiyano. Samakatuwid, ito ay isang mahalagang larangan na dapat pag-aralan ng mga Kristiyano.​—Heb 10:1; 9:23.

  • Kautusan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MGA LAYUNIN NG KAUTUSAN

      Inihayag nito ang mga pagsalansang; ipinakita nito na kailangang mapatawad ang mga pagsalansang ng mga Israelita at na kailangan ang isang mas dakilang hain na talagang makapagbabayad-sala para sa kanilang mga kasalanan (Gal 3:19)

      Bilang isang tagapagturo, iningatan at dinisiplina nito ang mga Israelita, anupat inihanda sila para sa Mesiyas na magiging kanilang tagapagturo (Gal 3:24)

      Ang iba’t ibang aspekto ng Kautusan ay mga anino na kumatawan sa mas dakilang mga bagay na darating; tinulungan ng mga aninong ito ang matuwid-pusong mga Israelita upang makilala ang Mesiyas, yamang makikita nila kung paano niya

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share