Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Krimen at Kaparusahan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ito ang buong kautusan ng Diyos para sa Israel, na nagsasaad ng mga simulain at opisyal na mga pasiya ni Jehova, anupat hindi isang kalipunan lamang ng mga kaso na maaaring bumangon o bumangon na.

      Samakatuwid, ang mga parusa sa ilalim ng Kautusan ay makatutulong upang ipakita na ang kasalanan ay “lalo pang higit na makasalanan.” (Ro 7:13) Itinatag ng batas ng talion, na humihiling ng mata para sa mata, ang isang pamantayan ng eksaktong katarungan. Ang Kautusan ay nagsilbi ukol sa kapayapaan at katahimikan ng bansa, iningatan nito ang bansa kapag sinusunod ito ng Israel, at ipinagsanggalang nito ang indibiduwal laban sa manggagawa ng kasamaan, anupat binabayaran siya kapag ang ari-arian niya ay ninakaw o sinira.

  • Krimen at Kaparusahan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Dahil sa mga kaparusahan sa ilalim ng Kautusang ibinigay ni Jehova sa pamamagitan ni Moises, ang lupain ay naingatang malinis sa paningin ng Diyos; ang mga nagsasagawa ng mga karima-rimarim na bagay ay inalis sa bayan. Gayundin, ang mga kaparusahan ay nakahadlang sa paggawa ng krimen at napanatili nito ang paggalang sa kabanalan ng buhay, sa batas ng lupain, sa Tagapagbigay-Kautusan, ang Diyos, at sa kapuwa-tao. At, kapag sinusunod ito, iniingatan ng Kautusan ang bansa mula sa pagbagsak ng ekonomiya at mula sa moral na kabulukan na nagdudulot ng nakapandidiring mga sakit at pisikal na pinsala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share