Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tagapamagitan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Maliwanag na kinailangan ang pagtitigis ng dugo upang magkabisa sa harap ng Diyos ang tipang Kautusan at ang bagong tipan. Kung walang ititigis na dugo, hindi kikilalanin ng Diyos ang mga iyon bilang may bisa, ni makikitungo man siya sa mga taong nasasangkot salig sa isang tipan. (Heb 9:17) Nang bigyang-bisa ang tipang Kautusan, ang ginamit na hain ay mga hayop​—mga toro at mga kambing​—na nagsilbing panghalili kay Moises, ang tagapamagitan. (Heb 9:19)

  • Tagapamagitan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagbibigay-bisa sa tipang Kautusan. Sinabi ng apostol na si Pablo: “Ngayon ay walang tagapamagitan kapag iisang persona lamang ang nasasangkot, ngunit ang Diyos ay iisa lamang.” (Gal 3:20) Sa tipang Kautusan, ang Diyos ang isang partido; ang bansang Israel naman ang kabilang ‘partido.’ Palibhasa’y makasalanan ang mga Israelita, hindi sila makalalapit sa Diyos upang makipagtipan. Kailangan nila ng isang tagapamagitan. Nakita ang kahinaan nilang ito nang hilingin nila kay Moises: “Ikaw ang magsalita sa amin, at makikinig kami; ngunit huwag magsalita sa amin ang Diyos dahil baka kami mamatay.” (Exo 20:19; Heb 12:18-20) Udyok ng awa, inatasan ni Jehova si Moises na maging tagapamagitan ng tipang Kautusan at itinagubilin Niya ang paghahain ng mga hayop upang bigyang-bisa ang tipan. Sabihin pa, si Moises din ay di-sakdal at makasalanan; gayunman, mayroon siyang kaayaayang katayuan sa harap ng Diyos, gaya ni Abraham noong una. (Heb 11:23-28; tingnan ang IPAHAYAG NA MATUWID [Kung paano ‘ibinibilang’ na matuwid].) Nang pasinayaan ang tipan, si Moises ang nanungkulan at nangasiwa sa paghahain ng mga hayop. Pagkatapos ay iwinisik niya ang dugo ng mga ito sa balumbon o “aklat ng tipan.” Binasa niya sa bayan ang aklat upang iharap ang mga kundisyon ng tipan, at sumang-ayon sila na sundin ang mga iyon. Pagkatapos ay winisikan ni Moises ng dugo ang bayan (walang alinlangang kinakatawanan ng matatandang lalaki), na sinasabi: “Narito ang dugo ng tipan na ipinakipagtipan ni Jehova sa inyo may kinalaman sa lahat ng mga salitang ito.”​—Exo 24:3-8; Heb 9:18-22.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share