-
Pahirapang TulosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kung Bakit Kinailangang Mamatay si Jesus sa Isang Tulos. Nang panahong ibigay ng Diyos na Jehova ang kaniyang kautusan sa mga Israelita, tinanggap nila ang obligasyong sundin ang mga kahilingan nito. (Exo 24:3) Gayunman, bilang mga inapo ng makasalanang si Adan, hindi nila iyon nasunod nang lubusan. Sa dahilang ito, sila’y napasailalim sa sumpa ng Kautusan. Upang maalis sa kanila ang pantanging sumpang ito, si Jesus ay kinailangang ibitin sa isang tulos gaya ng isang isinumpang kriminal. May kinalaman dito ay sumulat ang apostol na si Pablo: “Ang lahat niyaong sumasalig sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa; sapagkat nasusulat: ‘Sumpain ang bawat isang hindi nananatili sa lahat ng bagay na nakasulat sa balumbon ng Kautusan upang isagawa ang mga iyon.’ . . . Sa pamamagitan ng pagbili ay pinalaya tayo ni Kristo mula sa sumpa ng Kautusan sa pamamagitan ng pagiging isang sumpa na kapalit natin, sapagkat nasusulat: ‘Isinumpa ang bawat tao na nakabayubay sa tulos.’”—Gal 3:10-13.
-
-
Pahirapang TulosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang kamatayan ni Jesus sa pahirapang tulos ang naging saligan upang alisin ang Kautusan, na siyang naghiwalay sa mga Judio at sa mga di-Judio. Kaya naman, sa pamamagitan ng pagtanggap nila sa pakikipagkasundo na naging posible dahil sa kamatayan ni Jesus, kapuwa ang mga Judio at mga di-Judio ay maaaring maging “isang katawan sa Diyos . . . sa pamamagitan ng pahirapang tulos.” (Efe 2:11-16; Col 1:20; 2:13, 14)
-