Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Musika
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Hinihipan: gaita, (posibleng) nehilot, pipa, plawta, tambuli, trumpeta.

  • Musika
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sinasabi ng Bibliya na ang mga alpa at mga panugtog na de-kuwerdas para sa templo ay gawa sa pinakapiling kahoy ng algum na inangkat pa mula sa ibang lugar; ang mga trumpeta naman ay yari sa pilak. (1Ha 10:11, 12; Bil 10:2)

  • Musika
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sinasabi sa Dead Sea Scrolls na may mga trumpeta na tinakdaan ng sari-sari at masasalimuot na hudyat na patutunugin nang “waring sa pamamagitan ng iisang bibig.” Mangangailangan ito hindi lamang ng dalubhasang mga manunugtog kundi ng mga panugtog din na maaaring itono upang magkatugma-tugma. Ipinakikita ng kinasihang ulat na naging napakaayos ng musika noong pasinayaan ang templo ni Solomon: ‘Ang [isang daan at dalawampung] mga manunugtog ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay nagkaisa sa pagpaparinig ng isang tunog.’​—2Cr 5:12, 13.

      Apat na uri ng panugtog lamang ang tiyakang itinatala ng Bibliya bilang bahagi ng orkestra ng templo: trumpeta, alpa, panugtog na de-kuwerdas (sa Heb., neva·limʹ), at simbalo.

  • Musika
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Tungkol sa mga panahon ng pagpapatunog sa sagradong mga panugtog na ito, binabanggit ng Kasulatan ang sumusunod may kaugnayan sa mga trumpeta: “Sa araw ng inyong pagsasaya at sa inyong mga kapanahunan ng pista at sa mga pasimula ng inyong mga buwan, hihipan ninyo ang mga trumpeta sa harap ng inyong mga handog na sinusunog at ng inyong mga haing pansalu-salo.” (Bil 10:10) Nang maitatag na ang organisasyong pangmusika ng templo, malamang na inilakip sa mga trumpeta ang iba pang mga panugtog sa panahon ng gayong mga kapistahan at sa iba pang pantanging mga okasyon. Ang konklusyong ito, gayundin ang pamamaraang sinunod hinggil sa musika, ay waring ipinahihiwatig ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na inilarawang naganap nang isauli ni Haring Hezekias ang mga sagradong paglilingkod matapos niyang linisin ang templo: “Nang sandaling pasimulan ang handog na sinusunog, ang awit kay Jehova ay nagsimula at gayundin ang mga trumpeta, sa ilalim nga ng pangunguna ng mga panugtog ni David na hari ng Israel. At ang buong kongregasyon ay yumuyukod habang ang awit ay umaalingawngaw at ang mga trumpeta ay tumutunog nang malakas​—ang lahat ng ito ay hanggang sa matapos ang handog na sinusunog.” (2Cr 29:27, 28) Ang bagay na ang mga trumpeta ay nasa ‘ilalim ng pangunguna ng mga panugtog ni David’ ay waring nangangahulugan na ang tunog na nalikha ng mga manunugtog ng trumpeta ay nagsilbing kapupunan ng ibang mga panugtog sa halip na mangibabaw sa mga iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share