-
Kapistahan ng mga KubolKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Mga Kaugaliang Idinagdag Nang Maglaon. Ang isang kaugaliang isinagawa nang dakong huli, na posibleng tinutukoy sa Kristiyanong Griegong Kasulatan (Ju 7:37, 38) ngunit hindi sa Hebreong Kasulatan, ay ang pagsalok ng tubig mula sa Tipunang-tubig ng Siloam at ang pagbubuhos nito sa altar, kasama ng alak, sa panahon ng paghahandog ng pang-umagang hain. Sinasabi ng karamihan sa mga iskolar na ginagawa ito sa pitong araw ng kapistahan ngunit hindi sa ikawalo. Ang saserdote ay pumaparoon sa Tipunang-tubig ng Siloam dala ang isang ginintuang pitsel (maliban sa unang araw ng kapistahan, na isang sabbath, kung kailan ang tubig ay kinukuha mula sa isang ginintuang sisidlan sa templo, na pinaglagyan sa tubig na sinalok sa Siloam noong nagdaang araw). Itataon niyang makabalik siya mula sa Siloam dala ang tubig kapag handa na ang mga saserdote sa templo na ilagay sa altar ang mga piraso ng hain. Habang dumaraan siya sa Pintuang-daan ng Tubig ng templo papasók sa Looban ng mga Saserdote, ang pagdating niya ay ipinatatalastas ng tatlong pagpapatunog ng mga saserdote sa mga trumpeta. Pagkatapos, ang tubig ay ibinubuhos sa isang palanggana at umaagos patungo sa paanan ng altar, kasabay ng pagbubuhos ng alak sa isa pang palanggana. Saka naman sasaliwan ng musika ng templo ang pag-awit ng Hallel (Awit 113-118) samantalang ikinakaway ng mga mananamba ang kanilang mga sanga ng palma tungo sa altar. Maaaring ipinaaalaala ng seremonyang ito sa mga masayang nagdiriwang ang makahulang mga salita ni Isaias: “May-pagbubunying sasalok nga kayo ng tubig mula sa mga bukal ng kaligtasan.”—Isa 12:3.
-
-
Kapistahan ng mga KubolKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Malamang na ang espirituwal na kahulugan ng Kapistahan ng mga Kubol at marahil pati ang seremonya may kaugnayan sa tubig ng Siloam ang tinutukoy ni Jesus noong ‘huling araw, ang dakilang araw ng kapistahan,’ nang sabihin niya: “Kung ang sinuman ay nauuhaw, pumarito siya sa akin at uminom. Siyang nananampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng Kasulatan, ‘Mula sa kaniyang kaloob-loobang bahagi ay aagos ang mga daloy ng tubig na buháy.’” (Ju 7:37, 38)
-
-
Kapistahan ng mga KubolKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Di-nagtagal matapos siyang makipag-usap sa mga Judio, maaaring iniugnay ni Jesus sa kapistahan at sa mga ilaw nito ang Siloam nang pagalingin niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag. Pagkatapos niyang sabihin sa kaniyang mga alagad, “Ako ang liwanag ng sanlibutan,” dumura siya sa lupa at gumawa ng putik sa pamamagitan ng laway, inilagay ang putik na iyon sa ibabaw ng mga mata ng lalaki at sinabi sa kaniya: “Humayo ka at maghugas sa tipunang-tubig ng Siloam.”—Ju 9:1-7.
-