Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Karunungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • KARUNUNGAN

      Ang Biblikal na diwa ng karunungan ay nagdiriin sa matinong pagpapasiya salig sa kaalaman at pagkaunawa; ang kakayahang gamitin nang matagumpay ang kaalaman at pagkaunawa upang lutasin ang mga suliranin, iwasan ang mga panganib, abutin ang mga tunguhin, o payuhan ang iba na gawin ang mga iyon.

  • Karunungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang karunungan ay nagpapahiwatig ng lawak ng kaalaman at lalim ng pagkaunawa, anupat dahil dito ay nagiging matino at malinaw ang pagpapasiya, na isang katangian ng karunungan. Ang taong marunong ay “nag-iingat ng kaalaman,” anupat mayroon siyang mapagkukunan nito. (Kaw 10:14) Bagaman “karunungan ang pangunahing bagay,” sinasabi ng payo na “sa lahat ng iyong matatamo, magtamo ka ng pagkaunawa.” (Kaw 4:5-7) Ang “pagkaunawa” (understanding), na isang malawak na terminong kalimita’y sumasaklaw sa “kaunawaan” (discernment), ay nagpapatibay sa karunungan, anupat nakadaragdag nang malaki sa pagiging maingat at sa malayong pananaw, na kapansin-pansing mga katangian din ng karunungan. Ang pagiging maingat ay nagpapahiwatig ng mabuting pagpapasiya at naipamamalas sa pamamagitan ng pag-iingat, pagpipigil sa sarili, pagiging katamtaman, o pagtitimpi. Ang “taong maingat [anyo ng phroʹni·mos]” ay nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng batong-limpak, palibhasa’y patiuna niyang nakikita ang posibilidad na magkaroon ng isang bagyo; ang taong mangmang naman ay nagtayo ng kaniyang bahay sa buhanginan at dumanas ng kasakunaan.​—Mat 7:24-27.

      Pinatitibay rin ng pagkaunawa ang karunungan sa iba pang mga paraan. Halimbawa, maaaring sinusunod ng isang tao ang isang partikular na utos ng Diyos dahil alam niyang tama ang gayong pagsunod, at sa gayo’y maituturing siyang marunong. Ngunit kung talagang nauunawaan niya ang dahilan para sa utos na iyon, ang mabuting layunin niyaon, at ang mga pakinabang na makukuha mula roon, lalong tumitibay ang kapasiyahan ng kaniyang puso na magpatuloy sa matalinong landasin na iyon. (Kaw 14:33)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share