Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Buwan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Yamang laging nagsisimula ang buwang lunar sa paglitaw ng bagong buwan (sa Heb., choʹdhesh; sa Ingles, new moon), nang maglaon, ang terminong “bagong buwan” ay nangahulugan na ring “buwan” [month]. (Gen 7:11; Exo 12:2; Isa 66:23)

  • Buwan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Yamang ang haba ng katamtamang lunasyon mula sa bagong buwan hanggang sa sumunod na bagong buwan ay mga 29 na araw, 12 oras, at 44 na minuto, ang sinaunang mga buwang lunar ay may alinman sa 29 o 30 araw. Maaaring noong una ay tinitiyak ito sa pamamagitan ng basta pag-aabang sa paglitaw ng gasuklay na kaanyuan ng bagong buwan; ngunit may katibayan na noong panahon ni David ay kinakalkula ito nang patiuna. (1Sa 20:5, 18, 24-29) Gayunpaman, noong mga panahon pagkaraan ng pagkatapon, sinasabi ng Mishnah (Rosh Ha-Shanah 1:3–2:7) na ang Judiong Sanedrin ay nagtitipon nang maaga sa kinaumagahan sa ika-30 araw ng bawat isa sa pitong piniling mga buwan ng taon upang tiyakin ang panahon ng bagong buwan. Naglalagay ng mga bantay sa matataas at estratehikong mga puwesto sa palibot ng Jerusalem at kaagad na nag-uulat ang mga ito sa hukumang Judio pagkakita nila sa bagong buwan. Matapos tumanggap ng sapat na patotoo, ipatatalastas ng hukuman, ‘Itinalaga na,’ anupat opisyal na minamarkahan ang pagsisimula ng isang bagong buwan (new month). Kung mahirap itong makita dahil maulap ang kalangitan o makapal ang fog, idinedeklarang ang sinundang buwan ay may 30 araw, at ang bagong buwan ay nagpapasimula sa araw na kasunod ng pagpupulong ng hukuman. Sinasabi ring ipinapatalastas pa ito sa pamamagitan ng isang hudyat na apoy na sinisindihan sa Bundok ng mga Olibo at ginagawa rin sa iba pang matataas na lugar sa buong bansa. Nang maglaon, maliwanag na pinalitan ang pamamaraang ito sa pamamagitan ng pagsusugo ng mga mensahero upang maghatid ng balitang iyon.

      Noong ikaapat na siglo ng ating Karaniwang Panahon, isang kalendaryong pamantayan o tuluy-tuloy ang itinatag kung kaya ang mga buwang Judio ay nagkaroon ng takdang bilang ng mga araw, maliban sa Heshvan at Kislev at gayundin ang buwan ng Adar, na pabagu-bago pa rin sa pagitan ng 29 at 30 araw ayon sa ilang kalkulasyon.

      Pangingilin ng Bagong Buwan (New Moon). Sa mga Judio, ang bawat bagong buwan ay hudyat ng okasyon upang hipan ang mga trumpeta at maghandog ng mga hain alinsunod sa tipang Kautusan. (Bil 10:10; 2Cr 2:4; Aw 81:3; ihambing ang Isa 1:13, 14.) Sa katunayan, ang mga handog na itinakda ay mas malaki pa kaysa sa karaniwang inihahandog kapag regular na mga araw ng Sabbath. (Bil 28:9-15) Bagaman walang espesipikong binabanggit na ang bagong buwan ay naghuhudyat ng isang araw ng kapahingahan, ipinahihiwatig ng teksto sa Amos 8:5 na humihinto ang pagtatrabaho. Lumilitaw na isa itong panahon ng pagpipiging (1Sa 20:5) at isa ring naaangkop na panahon upang magtipon para maturuan ang mga tao tungkol sa kautusan ng Diyos.​—Eze 46:1-3; 2Ha 4:22, 23; Isa 66:23.

      Ang ikapitong bagong buwan ng bawat taon (katumbas ng unang araw ng buwan ng Etanim, o Tisri) ay sabbath, at itinalaga ito ng tipang Kautusan bilang isang panahon ng lubusang kapahingahan. (Lev 23:24, 25; Bil 29:1-6) Iyon ay “araw ng pagpapatunog ng trumpeta,” ngunit sa isang mas malalim na diwa kaysa sa iba pang bagong buwan. Ipinatatalastas nito ang papalapit na Araw ng Pagbabayad-Sala, na idinaraos sa ikasampung araw ng buwan ding iyon.​—Lev 23:27, 28; Bil 29:1, 7-11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share