-
NabonidoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang maglaon, sinasabi ni Herodotus (I, 188) na si Ciro na Persiano ay nakipaglaban sa anak nina Labynetus at Nitocris.
Sa isang aklat ng Yale Oriental Series na pinamagatang Nabonidus and Belshazzar, isinusulong ni Propesor R. P. Dougherty ang ideya na si Nitocris ang anak na babae ni Nabucodonosor at sa gayon, si Nabonidus (Labynetus) ay manugang ni Nabucodonosor. (1929, p. 63; tingnan din ang p. 17, 30.) Batay naman dito, ang “anak” nina Nitocris at Nabonido (Labynetus), na binanggit ni Herodotus, ay ipinapalagay na si Belsasar, na talagang dinigma ni Ciro. Bagaman salig sa maraming panghihinuha, maaaring ipaliwanag ng argumentong ito ang dahilan ng pagluklok ni Nabonido sa trono ng Babilonya. Makakasuwato rin ito ng pagtukoy ng Bibliya kay Nabucodonosor bilang “ama” ng anak ni Nabonido na si Belsasar (Dan 5:11, 18, 22), yamang kung minsan ang terminong “ama” ay nangangahulugang lolo o ninuno. Batay sa pangmalas na ito, si Belsasar ay apo ni Nabucodonosor.—Gayunman, tingnan ang BELSASAR.
-
-
NabonidoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa maraming prisma ay iniuugnay ni Nabonido ang panganay niyang anak, si Belsasar, sa kaniyang sarili sa mga panalangin niya sa diyos-buwan. (Documents From Old Testament Times, inedit ni D. W. Thomas, 1962, p. 73) Ipinakikita ng isang inskripsiyon na noong kaniyang ikatlong taon, bago siya lumabas sa isang kampanya na humantong sa pananakop sa Tema sa Arabia, inatasan ni Nabonido si Belsasar na maging hari sa Babilonya.
-
-
NabonidoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Bagaman hindi binibitiwan ang kaniyang posisyon bilang hari ng imperyo, ipinagkatiwala ni Nabonido kay Belsasar ang pangangasiwa sa pamahalaan ng Babilonya. Yamang ang Tema ay isang salubungang lunsod na nasa sinaunang mga ruta ng mga pulutong na naglalakbay at dito dinadala noon ang ginto at mga espesya na dumaraan sa Arabia, ang interes dito ni Nabonido ay maaaring may kaugnayan sa ekonomiya o maaaring para sa estratehiyang militar. Ipinapalagay rin ng ilan na itinuring niyang makabubuti sa pulitikal na paraan kung pangangasiwaan niya ang mga bagay-bagay sa Babilonya sa pamamagitan ng kaniyang anak.
-
-
NabonidoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
May kinalaman sa paglusob ni Ciro, sinasabi ng Chronicle na pagkatapos ng isang tagumpay sa Opis, nabihag niya ang Sippar (mga 60 km [37 mi] sa H ng Babilonya) at “tumakas si Nabonido.” Pagkatapos ay sinundan ito ng ulat ng pananakop ng Medo-Persia sa Babilonya, at sinasabi na pagbalik doon ni Nabonido ay ibinilanggo siya. (Ancient Near Eastern Texts, p. 306) Inilalahad ng mga isinulat ni Berossus, isang Babilonyong saserdote noong ikatlong siglo B.C.E., na lumabas si Nabonido upang makipagbaka sa mga hukbo ni Ciro ngunit natalo siya. Sinasabi pa nito na nanganlong si Nabonido sa Borsippa (sa TTK ng Babilonya) at na, matapos bumagsak ang Babilonya, sumuko si Nabonido kay Ciro at pagkatapos ay ipinatapon siya sa Carmania (sa timugang Persia). Makakatugma ng ulat na ito ang rekord ng Bibliya sa Daniel kabanata 5, na nagpapakitang si Belsasar ang gumaganap na hari sa Babilonya noong panahong bumagsak ito.
Tungkol sa kawalan ng anumang tuwirang pagbanggit kay Nabonido sa kabanata 5 ng Daniel, mapapansin na ang paglalarawan ni Daniel ay tumatalakay sa iilang pangyayari lamang bago bumagsak ang Babilonya, at ang aktuwal na pagguho ng imperyo ay inilalahad sa iilang salita lamang. Gayunman, ang kaniyang pamamahala ay waring tinutukoy sa Daniel 5:7, 16, 29, kung saan inalok ni Belsasar si Daniel na maging ikatlong tagapamahala sa kaharian, anupat ipinahihiwatig na si Nabonido ang una at si Belsasar ang ikalawa. Kaya si Propesor Dougherty ay nagkomento: “Ang ikalimang kabanata ng Daniel ay maituturing na kaayon ng katotohanan sa hindi pagbibigay ng anumang dako kay Nabonido sa salaysay, sapagkat waring hindi siya nagkaroon ng bahagi sa mga pangyayaring naganap nang si Gobryas [na nangunguna sa hukbo ni Ciro] ay pumasok sa lunsod.”—Nabonidus and Belshazzar, p. 195, 196; tingnan din ang p. 73, 170, 181; tingnan ang Dan 5:1, tlb sa Rbi8.
-
-
NabonidoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kapansin-pansin din ang maliwanag na mga pagtukoy kay Belsasar sa Chronicle. Bagaman si Belsasar ay hindi espesipikong binanggit, batay sa huling mga bahagi ng Chronicle (tud. II, linya 5, 10, 19, 23), sinasabi ni Sidney Smith, sa kaniyang Babylonian Historical Texts: Relating to the Capture and Downfall of Babylon (London, 1924, p. 100), na ang tudling 1, linya 8, ay nagpapakitang ipinagkatiwala ni Nabonido ang paghahari kay Belsasar, anupat pinaghari niya ito nang kasabay niya. Paulit-ulit na sinasabi ng Chronicle na ang ‘tagapagmanang prinsipe ay nasa Akkad [Babilonia]’ samantalang si Nabonido mismo ay nasa Tema (sa Arabia). Bagaman hindi binabanggit sa Nabonidus Chronicle ang pangalan ni Belsasar ni tinukoy man doon ang kamatayan nito, hindi ito nangangahulugan na mapag-aalinlanganan ang pagiging tumpak ng kinasihang aklat ng Daniel, kung saan ang pangalang Belsasar ay lumilitaw nang walong beses at sa kamatayan nito nagwakas ang detalyadong ulat ng pagbagsak ng Babilonya na inilahad sa kabanata 5. Sa kabilang dako naman, inaamin ng mga eksperto sa cuneiform na ang Nabonidus Chronicle ay napakaikli, at karagdagan pa, gaya ng nabanggit na, ipinapalagay nila na isinulat iyon upang siraan si Nabonido, hindi upang magbigay ng detalyadong kasaysayan. Gaya nga ng sinabi ni R. P. Dougherty sa kaniyang akda na Nabonidus and Belshazzar (p. 200): “Ang ulat ng Kasulatan ay maituturing na nakahihigit sapagkat ginagamit nito ang pangalang Belsasar.”—Amin ang italiko.
-