Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Upang ipakita na talagang masusumpungan sa pinakamatatandang pira-piraso ng Griegong Septuagint ang banal na pangalan sa anyong Hebreo nito, sinabi ni Dr. P. Kahle: “Alam na natin ngayon na ang Griegong teksto ng Bibliya [ang Septuagint], na isinulat ng mga Judio para sa mga Judio ay hindi nagsalin ng Banal na pangalan sa pamamagitan ng kyrios, kundi ang Tetragrammaton na isinulat gamit ang mga titik na Hebreo o Griego ay pinanatili sa gayong MSS [mga manuskrito]. Ang mga Kristiyano ang naghalili ng kyrios para sa Tetragrammaton, noong hindi na maintindihan ang banal na pangalan na nakasulat sa mga titik Hebreo.” (The Cairo Geniza, Oxford, 1959, p. 222)

  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Noong mga 245 C.E., inilabas ng kilaláng iskolar na si Origen ang kaniyang Hexapla, isang reproduksiyon ng kinasihang Hebreong Kasulatan na may anim na tudling: (1) ang orihinal na Hebreo at Aramaiko nito, lakip ang (2) isang transliterasyon sa Griego, at ang mga bersiyong Griego (3) ni Aquila, (4) ni Symmachus, (5) ng Septuagint, at (6) ni Theodotion. Salig sa ebidensiya mula sa pira-pirasong mga kopya na natuklasan, sinabi ni Propesor W. G. Waddell: “Sa Hexapla ni Origen . . . ang mga bersiyong Griego ni Aquila, ni Symmachus, at ng LXX [Septuagint] ay pawang nagtala sa JHWH bilang ΠΙΠΙ;

  • Jehova
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Samakatuwid, ang diumano’y mga Kristiyano na “naghalili ng kyrios para sa Tetragrammaton” sa mga kopya ng Septuagint ay hindi ang unang mga alagad ni Jesus. Sila ay mga taong nabuhay noong mas huling mga siglo, nang tuluyan nang lumaganap ang inihulang apostasya at mapasamâ na nito ang kadalisayan ng mga turong Kristiyano.​—2Te 2:3; 1Ti 4:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share