Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Manuskrito ng Bibliya, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Maraming manuskrito ng Hebreong Kasulatan ng Bibliya ang isinulat sa Griego. Ang isang natatanging manuskrito ay nasa koleksiyon ng Fouad Papyri (Inventory Number 266, pag-aari ng Société Egyptienne de Papyrologie, Cairo), na naglalaman ng ilang bahagi ng Genesis at ng ikalawang kalahatian ng Deuteronomio batay sa salin ng Septuagint. Ginawa ito noong unang siglo B.C.E. at makikita sa iba’t ibang talata nito ang banal na pangalan na nakasulat sa parisukat na mga titik Hebreo kasama ng tekstong Griego.

  • Manuskrito ng Bibliya, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang isa pang pangunahing manuskrito ng Septuagint ay naglalaman ng mga piraso ng Jonas, Mikas, Habakuk, Zefanias, at Zacarias. Sa balumbong katad na ito, ipinapalagay na ginawa noong pagtatapos ng unang siglo C.E., ang banal na pangalan ay kinakatawanan ng Tetragrammaton na nakasulat sa sinaunang mga titik Hebreo.​—Tingnan ang apendise ng Rbi8, p. 1562-1564.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share