Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tagapamagitan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Naging Tagapamagitan si Kristo upang yaong mga tinawag ay “tumanggap ng pangako ng walang-hanggang mana” (Heb 9:15); hindi mga anghel ang tinutulungan niya kundi “ang binhi ni Abraham.” (Heb 2:16) Tinutulungan niya yaong mga dadalhin sa bagong tipan upang ‘ampunin’ sa sambahayan ng mga anak ni Jehova; ang mga ito sa kalaunan ay aakyat sa langit bilang mga kapatid ni Kristo at makakasama niya bilang bahagi ng binhi ni Abraham. (Ro 8:15-17, 23-25; Gal 3:29) Ipinadala niya sa kanila ang ipinangakong banal na espiritu, na siyang espiritu na ipinantatak sa kanila at ibinigay sa kanila bilang palatandaan o tanda niyaong darating, ang kanilang makalangit na mana. (2Co 5:5; Efe 1:13, 14) Sa Apocalipsis 7:4-8, isinisiwalat na 144,000 ang kabuuang bilang niyaong mga tatanggap ng pangwakas at permanenteng pagtatatak.

  • Tagapamagitan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Mga Pagpapala Para sa Sangkatauhan sa Pangkalahatan. Bagaman ang paglilingkod ni Jesus bilang Tagapamagitan ay para lamang sa mga kabilang sa bagong tipan, siya rin ay Mataas na Saserdote ng Diyos at Binhi ni Abraham. Sa pagganap sa mga tungkuling kaakibat ng dalawang posisyong ito, magdudulot siya ng mga pagpapala sa iba pa sa sangkatauhan, sapagkat ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain sa pamamagitan ng binhi ni Abraham. Yaong mga kabilang sa bagong tipan ang unang pagpapalain ni Kristo, ang pangunahing Binhi (Gal 3:16, 29), anupat kukunin sila bilang mga kasamang miyembro ng binhi. Yamang gagawin silang mga hari at mga saserdote salig sa bagong tipan na pinamagitanan ni Kristo, makikibahagi sila sa pagtulong sa lahat ng mga bansa sa lupa upang tamuhin ng mga ito ang mga pagpapalang dulot ng hain ni Jesus at ng pamamahala ng kaniyang Kaharian. Kung magkagayon, ang paglilingkod ni Kristo bilang Tagapamagitan, matapos maisagawa ang layunin nito na dalhin sa gayong posisyon ang “Israel ng Diyos,” ay magbubunga ng mga kapakinabangan at mga pagpapala sa buong sangkatauhan.​—Gal 6:16; Gen 22:17, 18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share