Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Babae
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Noong panahong sentensiyahan ng Diyos ang mga magulang ng sangkatauhan, sina Adan at Eva, nangako siya na isang binhi ang iluluwal ng “babae” at ito ang dudurog sa ulo ng serpiyente. (Gen 3:15) Isa itong “sagradong lihim” na nilayon ng Diyos na isiwalat sa kaniyang takdang panahon. (Col 1:26) May ilang kalagayan noong panahong ibigay ang makahulang pangako na nagpapahiwatig kung sino ang “babae.” Yamang ang binhi niya ang dudurog sa ulo ng serpiyente, kailangang nakahihigit ito sa isang taong binhi, sapagkat ipinakikita ng Kasulatan na hindi isang literal na ahas sa lupa ang pinatungkulan ng mga salita ng Diyos. Ipinakikita sa Apocalipsis 12:9 na ang “serpiyente” ay si Satanas na Diyablo, isang espiritung persona.

  • Babae
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sinabi ni Pablo na ang asawa ni Abraham na si Sara ay katumbas naman ng “Jerusalem sa itaas,” ang espirituwal na ina ni Pablo at ng kaniyang mga kasamahang inianak sa espiritu. Ang makalangit na “ina” na ito ay siya ring “ina” ni Kristo, na panganay sa kaniyang espirituwal na mga kapatid, na pawang nagmula sa Diyos bilang kanilang Ama.​—Heb 2:11, 12; tingnan ang MALAYANG BABAE.

      Makatuwiran lamang at kaayon ng Kasulatan na ang “babae” sa Genesis 3:15 ay isang espirituwal na “babae.” At kung paanong ang “kasintahang babae,” o “asawa,” ni Kristo ay hindi isang indibiduwal na babae, kundi isang kalipunan, na binubuo ng maraming espirituwal na miyembro (Apo 21:9), ang “babae” na nagluluwal ng inianak-sa-espiritung mga anak ng Diyos, ang ‘asawa’ ng Diyos (na inihula sa nabanggit na mga salita nina Isaias at Jeremias), ay binubuo ng maraming espirituwal na mga persona. Iyon ay isang kalipunan ng mga persona, isang makalangit na organisasyon.

      Ang “babae” na ito ay inilalarawan sa pangitain ni Juan sa Apocalipsis kabanata 12. Ipinakikita roon na nagluluwal ito ng isang anak na lalaki, isang tagapamahala na “magpapastol sa lahat ng mga bansa taglay ang isang tungkod na bakal.” (Ihambing ang Aw 2:6-9; 110:1, 2.) Nang ibigay kay Juan ang pangitaing ito, matagal na panahon nang ipinanganak si Jesus bilang tao at pinahiran bilang Mesiyas ng Diyos. Yamang maliwanag na may kinalaman ito sa persona ring iyon, tiyak na tumutukoy ito, hindi sa kapanganakan ni Jesus bilang tao, kundi sa iba pang pangyayari, samakatuwid nga, sa pagtatalaga sa kaniya sa kapangyarihan ng Kaharian. Samakatuwid, ang pagsilang ng Mesiyanikong Kaharian ng Diyos ang inilalarawan dito.

      Sa dakong huli, ipinakikitang pinag-uusig ni Satanas ang “babae” at nakikipagdigma ito sa “mga nalalabi sa kaniyang binhi.” (Apo 12:13, 17) Yamang makalangit ang “babae,” at sa panahong iyon ay naihagis na si Satanas sa lupa (Apo 12:7-9), hindi na nito maaabot ang makalangit na mga personang bumubuo sa “babae,” ngunit maaabot nito ang mga nalalabi sa “binhi” ng babae, ang kaniyang mga anak, ang mga kapatid ni Jesu-Kristo na naririto pa sa lupa. Sa ganitong paraan pinag-uusig ni Satanas ang “babae.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share