-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Tiyak na sa paanuman ay nakaukit sa alaala ng mga taong nangalat ang kaalamang ito. Makikita iyon sa mga mitolohiya ng sinaunang mga tao na may pagkakahawig sa iba’t ibang bahagi ng ulat ng Bibliya, bagaman sa isang anyong pilipit at politeistiko. Inilalarawan ng mga alamat ang ilang diyos bilang pumapatay ng mga serpiyente; gayundin, kalakip sa mga relihiyon ng maraming sinaunang grupo ng mga tao ang pagsamba sa isang diyos na kinilala bilang isang tagapagpala ngunit dumanas ng marahas na kamatayan sa lupa at pagkatapos ay muling nabuhay. Maaaring ipinahihiwatig nito na ang gayong diyos, sa totoo, ay isang ginawang-diyos na tao at may-kamaliang itinuring na ang ‘ipinangakong binhi.’ (Ihambing ang Gen 3:15.)
-
-
Diyos at Diyosa, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Hinggil sa diyos na si Horus, may katibayan na pinilipit ang pangako sa Eden may kinalaman sa binhing susugat sa ulo ng serpiyente. (Gen 3:15) Kung minsan, inilalarawan si Horus na yumuyurak sa mga buwaya at may hawak na mga ahas at mga alakdan. Ayon sa isang ulat, nang ipaghiganti ni Horus ang pagkamatay ng kaniyang amang si Osiris, si Set, na pumaslang kay Osiris, ay nagbagong-anyo at naging isang serpiyente.
-