Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filistia, Filisteo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nang maglaon, nang makabawi sila mula sa pagkatalong ito, tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo upang makipaglaban sa Israel. Ang dalawang hukbo ay lumagay sa magkabilang panig ng Mababang Kapatagan ng Elah, sa Juda. Araw at gabi, sa loob ng 40 araw, ang mandirigmang si Goliat ay lumalabas mula sa kampo ng mga Filisteo, anupat hinahamon ang Israel na magharap ng isang lalaking lalaban sa kaniya sa isahang paghahamok. (1Sa 17:1-10, 16) Ang hamong ito ay sinagot ng pastol na si David, na nagpabagsak kay Goliat sa lupa sa pamamagitan ng isang bato mula sa kaniyang panghilagpos at pumatay kay Goliat sa pamamagitan ng sariling tabak nito. (1Sa 17:48-51) Pagkatapos ay tinugis ng mga Israelita ang tumatakas na mga Filisteo, anupat ibinuwal ang mga ito hanggang sa mga lunsod ng Gat at Ekron.​—1Sa 17:52, 53.

      Pagkatapos nito, ipinagpatuloy ni David ang matagumpay na pakikidigma laban sa mga Filisteo. Kapag bumabalik siya mula sa pakikipagbaka, ang mga babae, bilang pagdiriwang sa tagumpay, ay magsasabi: “Si Saul ay nagpabagsak ng kaniyang libu-libo, at si David ay ng kaniyang sampu-sampung libo.” (1Sa 18:5-7; tingnan din ang 1Sa 18:25-27, 30; 19:8.) Naging dahilan ito upang manibugho si Saul kay David, anupat nang dakong huli ay kinailangang tumakas si David upang iligtas ang kaniyang buhay. Tumakas siya patungo sa Filisteong lunsod ng Gat. (1Sa 18:8, 9; 20:33; 21:10) Doon, lumilitaw na tinangka ng mga lingkod ni Haring Akis na ipapatay si David. Ngunit sa pamamagitan ng pagbabalatkayo ng kaniyang katinuan, nakaalis siya sa lunsod nang walang pinsala. (1Sa 21:10-15) Ilang panahon pagkatapos nito, bagaman tinutugis pa rin ni Saul, iniligtas ni David ang Judeanong lunsod ng Keila sa mga Filisteong mananamsam. (1Sa 23:1-12) Nang maglaon, dahil sa isang paglusob ng mga Filisteo sa teritoryong Israelita ay pansamantalang itinigil ni Saul ang paghabol kay David.​—1Sa 23:27, 28; 24:1, 2.

  • Filistia, Filisteo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nang sa wakas ay mapahiran si David bilang hari sa buong Israel, sinalakay ng mga Filisteo ang Mababang Kapatagan ng Repaim (sa TK ng Jerusalem) ngunit dumanas sila ng kahiya-hiyang pagkatalo. (2Sa 5:17-21; 1Cr 14:8-12) Isa pang pagsalakay ng mga Filisteo nang maglaon ang nagwakas din sa tagumpay para sa Israel. (2Sa 5:22-25; 1Cr 14:13-16) Noong panahon ng kaniyang paghahari, marami pang ibang pakikipagbaka na ipinakipaglaban si David sa mga Filisteo at nagtagumpay siyang masupil sila. Gayunman, sa isang pagkakataon ay muntik na siyang mamatay.​—2Sa 8:1; 21:15-22; 1Cr 18:1; 20:4-8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share