-
Ang Panahon ni DavidKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nang maitatag na siya bilang hari, si David ay nakibahagi sa makasaysayang mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa: Ang mga hangganan ng Israel ay isinagad sa ipinangakong kalalagyan ng mga ito. Dinala sa Jerusalem ang kaban ng tipan. Iginuhit ang mga plano para sa isang maluwalhating templo ni Jehova. Natatangi rin ang tipang pangako ng Diyos kay David na magbangon ng isang permanenteng tagapamahala mula sa maharlikang linya nito. (2Sa 7:12-16) Ang tipang ito ay umaakay patungo sa pambuong-daigdig na pamamahala ni Jesu-Kristo.—Ro 1:3; Luc 1:32.
-
-
Ang Panahon ni DavidKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
MAPA: Ang Paghahari ni David
Ilang ng Juda. Nagtagô si David sa mga yungib at awang sa ganitong lugar upang matakasan si Haring Saul
Isang lansangan sa matandang Hebron, ang lunsod kung saan pinahiran ng mga lalaki ng Juda si David bilang hari
Lunsod ni David (sa gawing timog ng Temple Mount) gaya ng makikita sa ngayon; mula rito ay naghari si David sa loob ng 33 taon
-